Chapter 15 Alvira Bumalik si Lander sa sala na may dala ng platito saka bread knife. "Mukhang masarap yata itong cake mo," seryoso niyang wika at hiniwa ang cake na dala ko. "Oo, nahbe-bake na ako ngayon. Nagta-trabaho ako minsan sa backery. Atleast kahit paano may pantustos ako sa pag-aaral ko," saad ko sa kaniya. Nilagyan niya ang isang platito ng ini-slice na cakr saka ibinigay iyon sa akin. Nag-hiwa siya ulit at nilagay niya iyon sa platito niya. Kampante siyang naupo sa sofa sa harap ko. Tinusok niya ang cake ng tinidor at sinubo. Napapikit siya ng kaniyang mga mata nang matikman niya ang cake na dala ko. "Hmmm… Ang sarap! Ngayon lang ulit ako nakatikim ng cake. Hmmm… Ang sarap." Napangiti ako sa papuri niyang iyon. Dinilaan niya ang kaniyang daliri dahil nasagi niya ang ici

