Chapter 31 Alvira Malapit na ako sa bahay ni Tita nang makita ko ang mga kalalakihan na may mga mahabang baril na nakakuwentas sa kanilang leeg. Apat sila at galing sila sa loob. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila rito at sino sila? Bakit mga aramado sila? Pinahinto ko ang taxi sa isang tabi at pinagmasdan ang mga kilos ng mga lalake. Ilang sandali pa tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at may tumatawag sa akin na ibang number. Agad kong sinagot ang tawag na iyon. “Hello?’’ “Alvira si Tita Moira mo ito. Kanina pa kita tinatawagan, pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Makinig ka sa akin ng mabuti dahil hindi ako puwede magtagal.” Halata sa boses ni Tita na parang may nangyayaring hindi maganda. “Tita nasaan kayo ni Clyde? Anong nangyayari sa’yo, bakit ganiyang ang boses

