Chapter 12 Lander Inihatid ko si Alvira sa bahay ng ina ng kaniyang kaibigan. “Salamat sa pag-drive mo sa amin rito sa bahay. Magkape ka muna,’’ alok ni Clyde pagkatapos namin ihatid si Alvira sa silid nito. Ang Mommy na rin ni Clyde ang nag-asikaso sa kaniya. Inilapag ni Clyde ang dalawang tasa na may kape. Nasa sala kaming dalawa. Kinuha ko ang kape saka ininom. “Salamat sa kape,’’ tipid kong pasalamat kay Clyde. Uminom na rin siya ng kape at seryosong tumingin sa akin. “Hindi ako magtataka kung bakit gustong-gusto ka ni Alvira. Bukod sa matanggkad ka ang gwapo mo pa.” Tumawa ako ng pagakw sa sinabing iyon ni Clyde sa akin. Hindi rin pala lingid sa kaniya ang damdamin ni Alvira para sa akin. “Ikaw pala ang kinukuwento niya palagi sa akin na crush niya na Kuya ng kaibigan niya. Al

