Chapter 54 VITORIO Isinugod ko si Daddy sa hospital, dalawang araw ang nakalipas dahil nakatanggap kami ng balita na patay na nga si Angela. Hindi sinasabi sa akin ni Daddy kung, sino ang dumukot kay Angela at pumatay. Halos madurog ang puso ko sa nabalitaan naming iyon. Natagpuan ang katawan ni Angela sa isang abandunadong lugar at kalansay na ito. Ang tanging pagkakilanlan na lang namin sa kaniya ay ang damit na suot niya, ang bracelet niya, at ang kaniyang bag. Naroon din ang cellphone niya. Hindi na namin ibinurol si Angela dahil hindi na siya makilala, kaya agad ay inilibing na rin namin siya. Walang katumbas na sakit ang mawalan ng kapatid na iningat ko at naging magulang niya ako sa Amerika. Hindi lang ako isang kapatid para kay Angela, kundi halos ako na ang tumayong magulang niy

