Hindi makatulog si Jasmine kaya nagpasiya siyang lumabas ng kwarto at magpahangin. Subalit para siyang napako sa kanynag kinatatayoan nang marinig niya ang nanggagalaiting ni Martin. "The problem with her is she's so insensitive! She has alarmed everyone here dahil basta na lang siyang umalis ng walang paaalam! Tapos iiyak sa 'yo at magsumbong! The nerve of her! She had made us all worried sick!" dinig niyang wika nito. At hindi naman siya bobo para hindi masundan na siya ang tinutukoy nito. Napakunot ang kanyang noo. Wala siyang pinagsumbungan sa nangyari kahit si Kuya Lindon niya. Napaatras si Jasmine at nagpasiya na bumalik na lamang ng kwarto. Habang biglang natigilan si Martin nang marinig niya nagbuntong-hininga ng kausap sa kabilang linya. "Then, the deal is off," mabilis at mad

