Kabilugan ng buwan at malamig ang simoy ng hangin. Kinuha niya ang magka-ternong jacket na binili niya at inilagay sa isang paper bag. Planong niyang yayain si Martin sa ilog. Hindi para maligo kundi para samahan siya sa pagpunta doon. She wanted to takes some pictures, lalo't bilog na bilog ang buwan. Nasalubong niya si Karing. Agad siyang nagtanong kung napansin nito si Martin. "Nasa may harden siya," sagot ni Karing, at hinawakan ang kanyang braso. "Hindi ko dapat sinasabi sa 'yo pero pakiusap kausapin mo siya. May mabigat siyang dinadala ngayon at alam ko baka sakaling mabawasan ang kirot na naramdaman niya kung mayroon siyang kausap." Ngumiti lang siya ng tipid. "Sige ho, susubukan ko po... hindi po ako makakapangako." "Salamat, Iha," sabi ni Karing, at lumampas sa kanya. Nap

