Maaga pa lang ay nasa kusina na si Martin para magluto ng almusal. He wanted to surprise Jasmine kaya masigla siyang nagluto ng almusal para sa dalaga. Pagakatapos nilang magkausap kagabi subra siyang napaisip. He needs to help himself get to used spoiling her para makabawi man lang siya sa paglilihim niya dito. Ipinagluto niya ang dalaga ng mga paborito nitong pagkain. At sinuguradong masarap ang lahat. Nagulat tuloy ang kanyang mga tiyahin nang madatnan siyang abala sa kusina. "Anong nakain mong bata ka?" may pagtatakang tanong ni Saning, at kumuha ng apat na tasa para pagtimplahan ng kape. "Oo nga, mukhang nagkaayos na ba kayo ni Kuya Gavin," pasegundang wika ni Meling, at napangiti nang biglang umasim ang mukha ng pamangkin. "Please lang, Tita, don't say bad word. Masisira a

