Nagpasiya na bisitahin ang puntod ng kanyang mga magulang bago siya tumungo sa bahay ng kanilang family attorney. Napahugot siya nang isang malalim na hininga bago sinindihan ang dalang kandila bago marahan na ipinatong ang isang pumpum ng rosas, ang paboritong bulaklak ng kanyang ina. Lindon was lost for words dahil sa subrang lungkot na kanyang nararamdaman. Wala siyang ibang masabi kungdi, "Help me, Mama." Kailangan niya ang tulong ng kanilang ina dahil sa totoo lang hindi niya alam kung tama ba ang kanyang gagawin. Tamang bang ipagkasundo niya ang kapatid sa kanyang kaibigan? Tama na nga ba si Martin ng sabihin nito na nababaliw na siya? Alam niyang mahirap. Alam niyang pwede niyang masaktan ang kanyang kapatid dahil sa mga hakbang na gagawin niya. Subalit kailangan niyang gawin

