JASMINE POV Halos hindi ko matanggap na wala na si Kuya Lindon. Wala na ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ang taong halos pinaghuhugutan ko ng lakas. Tulala akong napatingin sa kawalan. Pilit kong kinukumbinsi ang aking saliri na isang masamang panaginip lamang ang lahat. Tama, nananaginip lamang ako, at buhay pa ang aking kapatid. Ngunit kahit ano mang gawin kong pagtatanggi ay hindi pa rin maikakaila na wala na si Kuya Lindon . Patay na ang kapatid ko. Nagpakamatay siya! Dumaloy ang masaganang luha sa aking pisngi. "Paano ako ngayon, Kuya? Bakit ngayon pa? Kung kailan akala ko ay maaayos na ako saka naman pinagkaisahan ninyo ako ng langit!" mahina, at masakit kong sambit. "Ang sakit-sakit, Kuya. Hindi ko matanggap na iniwan mo ako! Hindi talaga... " Pinunasan ko an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


