After nilang mag-lunch ay agad silang nag-ikot sa ilang Boutique na nandoon. Yvonne keep on grinning as Martin told her to get whatever she wants. "Ikaw ho ang magbabayad, Kuya?" puno ng kuryusidad nitong tanong sa kanya. "Yes, you can grab anything you like, libre ko," nakangiting wika ni Martin, at biglang tinanong ng kanyang cp number at address. Nagugulohang tinignan siya ni Yvonne. "Why po?" "So I could deliver the food and your purchases," kaswal na sagot nito, at ngumiti. "Or maybe mamaya na lang after your afternoon class." After nilang mamili ay agad na hinatid sila ni Martin pabalik ng campus. Subrang nagpasalamat si Yvonne dahil sa take out food at personal product na maiuuwi niya sa kanyang pamilya. "Thank you so much, talaga, Kuya Martin," wika ni Yvonne na hindi map

