FALLING

1257 Words
            "Ano’ng ginawa mo?!"             "Ay, palaka!" sigaw ko sabay kapit sa step-up ladder na kinatutungtungan ko. Hinawakan ko ang tapat ng kumakabog na dibdib ko bago lumingon sa likuran.             "Ano ba...bakit ka ba nanggugulat?!" asik ko sa masungit na espiritu.             "Ano’ng ginawa mo dito?" tanong uli nito habang pinagmamasdan ang kabahayan.             Sinundan ko ng tingin lahat ng sinuyod niya ng tingin.             "Bakit? Maganda naman ah. Naging makulay itong bahay mo. Hindi katulad dati - ang dull...puro puti, black and gray lang ang kulay," sabi ko dito.             Nakita ko ang pagkadisgusto sa mukha niya pero alam ko namang wala siyang magagawa.             "Saan mo kinuha ang mga yan?" sabi nito sabay hagod ng tingin sa mga kurtina, throw pillow at rug carpet na bago sa paningin niya.             "Binili ko," sagot ko.             "Binili??" takang tanong nito sa akin.             "Don't you worry...hindi ko iyan pababayaran sa iyo...as if naman mababayaran mo ko ngayon...duh!" sabay paikot ko ng mga mata ko.             "Nawala lang ako ang dami mo nang nabago dito," sabi nito.             "Ah, ah, ah! FYI... hindi ka lang basta nawala. Maghapon kang nawala! Saan ka ba nagpunta?" tanong ko naman dito.             Nakita kong kumunot ang noo nito at tila nag-iisip. "You mean...hindi ka umalis maghapon?" takang tanong nito.             Bumaba ako sa step-up ladder at saka nameywang dito.             "Sa tingin nio po boss, magagawa ko lahat ng ito sa isang pitik lang?" pagtataray ko dito.             Bahagyang lumiwanag ang mukha nito. "Hindi ka umalis ng bahay?" tanong uli nito.             "U-Umalis. Pumunta lang ako diyan sa malapit na supermarket. Binili ko iyang mga iyan! Alam mo namang takot akong lumayo dito nang mag-isa... baka maligaw ako. Di ko naman kabisado ang Manila..."               "Hindi mo kasama si long hair?" tanong uli nito na bahagyang nakangiti.             "Hi-Hindi. Hindi kami umalis. Bakit ba?" naiirita at nagtatakang tanong ko na dito.             "Nothing...bakit hindi mo sinabing hindi kayo aalis? Akala ko magkasama kayo ngayon at--"             "Wait.... nagseselos ka ba kay Duncan? Uuyy...crush mo na ako, noh?" natatawang tanong ko dito.             Nakita ko namang tila napahiya ito.             "Ano? Hi-Hindi noh! Never." sagot nito.             "Anong never? Never ka magkaka-crush sa akin? Bakit??? Hindi naman ako pangit ah!” Ang kapal ng mukha nitong espiritu na ‘to…             "Hindi ko alam yung c-crush na... na sinasabi mo. Never ko pa... naramdaman yung.... mga nararamdaman ko ngayon. Sa iyo."             Napaawang ang mga labi ko. Tila naubusan ako ng isasagot dito. Ang balak ko lang naman ay asarin uli ito pero parang bumalik sa akin ang pang-aasar ko.             Nag-fake ako ng ngiti. "Marunong ka na ding mang-asar ngayon ha." sabi ko dito sabay talikod sa kanya.             Nagkunwari akong busy sa pagliligpit nung step-up ladder habang pinapakiramdaman ang sarili ko. Bakit parang may naramdaman akong kilig sa sinabi nito?             "I am telling you the truth," narinig ko na lang na sabi nito sa likuran ko.             Natigilan ako sa ginagawa ko. Malalim akong huminga at saka hinarap ito.             "Look. Kung sinasabi mo yan bilang... bilang bayad mo sa ginagawa kong paghahanap sa katawan mo... hindi ko gusto," sabi ko dito.             "I am just being straightforward," sagot naman nito.             Mataman ko itong tiningnan. Napaka-seryoso ng mukha nitong nakatingin din sa akin. Pero hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya. Tila ito magnet na hindi na ako makabitaw ng titig dito. Pakiramdam ko ngayon ay isa akong libro na binabasa ng mga mata niya. Hanggang sa parang tumatagos ito hanggang sa kaluluwa ko.             Naramdaman ko na lang ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Pinilit kong bawiin ang titig ko sa kanya at saka nag-iwas ako ng tingin.             Hindi puwede....             "H-Hindi mo ba.... nagustuhan iyung ginawa ko?" tanong ko at saka pilit kong pinakalma ang sarili ko.             "No. Not really. Parang...parang nanibago lang ako," sagot nito.                 "O-Okay. I guess I'll take that as a positive answer... for now," sabi ko saka pilit ngumiti.             Tumalikod na ako dito at saka binitbit na ang step-up ladder papunta sa storage room kung saan ko ito nakita kanina.             "Hindi ka na dapat nag-abala magpalit ng kurtina. It was frustrating na hindi man lang kita matulungang magbuhat niyan," sabi nito.             Huminto ako at saka nilingon ito. "Okay lang. Understandable naman." sabi ko dito nang nakangiti.             This time my smile is genuine. Itinuloy ko na ang pagpunta sa storage area. Naramdaman kong nakasunod pa rin sa akin si... Klarence             Hindi pa din kami tumitigil ni Duncan sa pag-research sa katauhan ni Klarence. Wala nga lang kaming makita kung sino ang pamilya nito. At kung... may asawa na ba ito. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko sa may tapat ng puso ko. Para kasing biglang nagsikip.                           "ANNIKA?"             "Hmm?" isinalang ko ang bigas na nahugasan ko na sa rice cooker at saka nilingon si Klarence.             "Bakit hindi ka umalis ngayon?" tanong nito.             "Uhm...wala lang. Gusto ko lang sanang makabawi sa yo. Kasi... napikon kita kaninang umaga?" pagkukumpirmang sagot ko dito. Hindi ko kasi sure kung napikon ko talaga siya. Lagi naman kasing seryoso ang aura niya.             Tila naman ito teenager na napahiya sa nakita kong reaksiyon ng mukha niya.             "Hi-Hindi. Hindi noh! Wala yun..." at saka ito nag-iwas ng tingin sa akin.             Hindi ko mapigilang mapangiti. Minsan ko lang kasi makita ang side niyang ito.             Nakakatuwang sa kabila ng estado nito, ang nakikita ko ngayon sa kanya sa halip, ay tila ito isang teenager na kumakausap sa crush niya. Lalo tuloy itong naging guwapo sa paningin ko.             Guwapo??? Bakit napasama dito ang pagiging guwapo nito? Bahagya kong pinilig ang ulo ko.             "Annika... ano kasi..." Hinintay ko ang sasabihin nito.             "Ano yun?" tanong ko nang wala akong narinig uli mula dito.             "H-Hindi ko din kasi alam paano sasabihin..."             "Wag kang mag-alala. Bukas resume na uli kami ni Duncan para maghanap sa katawan mo--"             "Ayokong sumasama ka dun sa Duncan na yun!" putol nito sa sasabihin ko.             "Ano? Bakit?" nagtatakang tanong ko.             "B-Basta. Basta lang..."             "Alam mo namang hindi ako pwedeng walang kasama di ba? Wala akong alam na lugar dito sa Manila. Kaya kailangan ko si Duncan."             Nakita kong umawang ang mga labi nito na tila may sasabihin pero muli din niya itong isinara. Napansin ko tuloy na manipis pala ang mga labi nito.             Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng mga labing yun? Gosh! Annika! Ano bang iniisip mo?             "Sorry. It's just that...." malungkot na sabi nito at saka nagyuko ng ulo.             Dahil sa nakita kong lungkot sa kanya, suddenly, I have this urge to approach him and comfort him. Gusto ko siyang yakapin at sabihing everything will be alright. Pero paano? Paniguradong hindi naman pwede.             "Look. Do not worry. Gagawin ko lahat para makabalik ka lang sa katawan mo. That's a promise," pagbibigay assurance ko sa kanya. Nag-angat ito ng tingin sa akin.             "Kahit pa, hindi ko na matapos-tapos yung ginagawa kong story at kahit hindi na ako kumikita. Uy! Joke lang yun ha..." nakangiti kong sabi dito.             "I think… I like you."             Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig ko. Daig pa ang may sumabog na bomba sa harap ko. O nagkamali lang ako ng dinig?             "W-What did you say?" halos dumaan lang sa lalamunan ko ang sinabi ko.             Ina-anticipate kong tama yung narinig ko. I must admit may konting kilig akong nararandaman. Pero may pagpo-protesta din naman sa isang sulok ng isip ko. Tila naman ito sirena na binibigyan ako ng babala.             "I- I said..." Huminga muna ng malalim si Klarence at saka nagsalita uli. "I t-think I... like you, Annika."             Pilit kong binabasa sa mukha nito ang katotohanan ng sinabi niya.             "M-Magsa-shower na muna ako," sabi ko at saka mabilis na tinalikuran ito.   ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD