JEALOUS

1644 Words
            Matagal na akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng pad ko pero hindi ko magawang buksan ito. Deep inside, umaasa akong nasa kabila siya ng pintuang ito.             Kung bakit naman kasi nagpadalus-dalos ako sa sinasabi ko...             Nahiya na din naman akong bawiin kay Tito Hernan iyong narinig niya mula sa akin. Ako si Klarence Montenegro, at lahat ng sabihin ko ay walang pwedeng bumali. Dahan-dahan kong itinulak ang pintuan. Mas pinili kong umuwi dito sa pad ko mula sa hospital kaysa sa mansion ng mga Montenegro, kung saan naroroon si Auntie Elvira at ang anak-anakan niyang si Heather.             Pagkapasok ko sa loob ng pad ay nakaramdam ako ng lungkot. Deep inside, umaasa akong aabutan ko si Annika dito. Kaya nga ako nagmamadaling magpunta dito. Pero mukhang nakaalis na siya. Ni bakas na andito siya sa bahay ko ay wala akong makita. Napasandal ako sa likod ng pintuan at saka marahas na huminga.             Di ba ito naman ang gusto mo, Klarence?             Iginala ko ng tingin ang kabuuan ng kuwarto. Ini-imagine ko na andito si Annika. Nakaupo sa sofa. Sa lababo, naghuhugas ng pinggan. Nagtitimpla ng kape. Hindi ko napigilang mapangiti.             Mabigat ang katawang naglakad ako papunta sa mini garden ko. Aaliwin ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin sa mga halaman ko.             Bahagya akong nagulat nang pagtulak ko sa sliding door papunta sa mini garden ay magaan ko itong nabuksan. Mas nagulat ako sa tumambad sa akin pagkabukas ng sliding door.             Agad akong nakaramdam ng saya nang makita ko si Annika na iniluwa ng pintuang yun. Kita ko rin ang pagkagulat sa kanya.             "A-Annika?" gulat na tanong ko. Pero bigla din ang pagkaramdam ko ng saya sa dibdib ko.             Bigla naman itong nag-iwas ng tingin. "I-I'm sorry. Di-Diniligan ko lang iyung mga halaman mo. Paalis na din ako." sabi nito.             Gusto kong bawiin lahat ng masamang sinabi ko sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya. Pero paano ko ba uumpisahan?             "No. I- I mean...okay lang--"             Bigla kaming nakarinig ng sunod sunod na pag-door bell.             "Uhm...andiyan na yata si Duncan. Nagpasundo kasi ako," walang ekspresyong sabi ni Annika, sabay.             "No. Let me. Ako na ang magbubukas," agaw ko sa kanya.             Para sasabihin ko sa lalaking iyun na nakaalis na si Annika, para umalis na agad siya!             May halong inis na binuksan ko ang pinto para lang magulat sa taong nasa labas nito.             "Klarence!             Nagulat ako nang patakbong yumakap sa akin si Heather. Hinawakan ko ang mga braso nito para ilayo siya mula sa akin. Baka makita kami ni Annika sa ganitong ayos.             "Excuse me. Lalabas na ako."             Nanigas ako nang marinig ko ang boses ni Annika. Huli na pala. Nakita na niya kami. Bigla namang bumitaw si Heather mula sa pagkakayakap sa akin.             "Anong ginagawa dito ng babaeng yan?!" mataas ang boses na sabi nito.             "Wala kang dapat ipag-alala. Paalis na din naman ako," sagot dito ni Annika, at saka nag-umpisang humakbang.             "Dapat lang! Ayokong mag-isip ng kung ano-ano ang media sa iyo lalo na ngayong ikakasal na kami ni Klarence," sagot ni Heather.             "Heather! Hindi pa ako pumapayag sa proposal ninyo ni Auntie Elvira," bigay-babala ko dito. Natatakot ako sa maaaring isipin ni Annika sa amin ni Heather.             Bumitaw sa akin si Heather at tila nagtatampong tumingin sa mukha ko.             "What? Wag mong sabihing espesyal na sa iyo ngayon itong babaeng ‘to?" tanong ni Heather, na may kasama pang masamang paggtingin kay Annika.             "N-No. But--- but she can stay here as... as my gratitude to her." naisip kong sabihin.             Tama ba ang sinabi ko? Damn!             "I am telling you, darling.... hindi magandang idea yun..." sita sa akin ni Heather.             Ako ang may-ari ng bahay, pero kung pangunahan ako ng babaeng ‘to....             "Don't worry. Wala akong balak na pahabain pa ang pagtira ko dito. Aalis na ko," malamig na sagot ni Annika, at saka uli nag-umpisang humakbang.             Umusod pa lalo si Heather para mas lalong mabigyan ng daan si Annika na hatak-hatak ang isang maliit na luggage bag.             "Annika..."             "Darling?! Hayaan mo na siyang umalis," saway sa akin ni Heather.             Bahagyang lumingon si Annika sa akin at saka mapait na ngumiti.             "Salamat," tipid na sabi nito, at saka nagmamadali nang lumabas ng pintuan.             "Thank you, Lord..... at umalis na din ‘yung baliw na babaeng ‘yun!" sabi ni Heather, at saka naglakad papunta sa sofa.             Agad akong lumabas sa pintuan para habulin si Annika pero napahinto ako nang makita ko silang magkayakap nung Duncan. Naikuyom ko ang aking kamao.             Akala ko pa naman nasaktan ko siya. Akala ko pa naman may espesyal siyang pagtingin sa akin katulad ng mga sinasabi niya at pinaparamdam niya kapag bumibisita siya sa akin sa hospital.             So tama nga siguro ako. Hinabi lang niya yung mga kuwentong sinabi niya sa akin. Puro gawa-gawa lang niya. Malamang ang balak nilang dalawa nung Duncan na ‘yun ay perahan lang ako!             Mabibigat ang mga hakbang na pumasok na ako sa loob ng bahay at saka patamad na naupo sa pang-isahang sofa. Ayaw kong makatabi si Heather. Isinandal ko ang katawan ko at saka ipinikit ko ang mga mata. Pero iyung eksena pa rin sa labas ang nakikita ko sa isip ko.             Sh*t!             "Klarence, samahan mo naman ako sa mall. May bibilhin--"             "Leave me alone, Heather." putol ko sa kanya. Wala ako sa mood na makipag-plastikan sa kanya ngayon.             "But, darling.... wala akong--"             "Here. Take my card. Bilhin mo na iyung bibilhin mo. Wala ako sa mood umalis ngayon," sabi ko dito sabay itsa ng isa kong credit card sa tabi niya.             Nakita ko pang tila namilog ang mga mata nito. Muli kong isinandal ang ulo ko sa sandalan at saka muling pumikit. Narinig ko na lang ang pagpapaalam ni Heather.             "Bye for now, darling..."             Nagulat na lang ako nang may humalik sa labi ko pero huli na para pigilan siya. Pagdilat ng mga mata ko ay palabas na ito ng pintuan. Tumayo ako at saka naglakad papunta sa mini bar.             Naguguluhan ako. Parang lahat ng nangyayari ngayon sa akin ay magulo. Masama din ang loob ko kay Annika. Kasinungalingan lang nga ba lahat ng sinabi niya sa akin? Anong meron sa kanila nung Duncan?             Lulunurin ko na muna ang sarili ko sa alak kahit bawal sa akin. Baka sakaling maging manhid na ko mamaya sa sakit na nararamdaman ko.     [Annika]               "Tama na yan, Annika. Maba-bad shot ako niyan sa Tito mo eh."             Pinilit ko iangat ang ulo ko para tingnan si Duncan. Pinilit ko ito nginitian.             "Si Tito Hernan nga ba ang iniisip mo? O si Lara? Akina phone mo. Ite-text ko siya. Ipagpapaalam kita na kasama mo ko," sabi ko, habang pinipilit kunin kay Duncan ang phone nito.             "Tsk!" sabi lang nito sabay iwas ng phone niya sa akin.             "What?? Ipagpapaalam na nga kita eh!" inis na sabi ko.             "Mabuti pa iuuwi na kita. Tama na yan,"sabi nito sa akin.             "Ayoko! Ayoko pa," sagot ko, at saka muling dinampot ang alak sa harap ko at saka tinungga.             "Annika...."             "Duncan, pangit ba ako? Bakit ganun? Lahat ng lalaking minahal ko hindi nila masuklian yung pagmamahal ko?" himutok ko.             Hindi ko napigilan nang bumagsak ang luha ko. Ang sama-sama ng loob ko. Sa ikalawang pagkakataon, tinalikuran na naman ako ng isang lalaki.             "Ano bang nakikita nila sa akin para pandirihan nila ako?" panay-panay na ang pagtulo ng mga luha ko.             Marahas kong pinunasan ang pisngi ko at saka muling tumungga ng alak.             "Annika...walang mali sa yo. Ang mali lang ay iyung mga lalaking pinili mong mahalin," narinig kong sabi ni Duncan.             Nilingon ko ito at saka mapait na nginitian.             "Nakatadhana siguro talaga akong maging mag-isa," sabi ko dito.             "Annika, ano bang sinasabi mo? Marami pang lalaki sa mundo at bata ka pa. Baka hindi dito o wala sa Cebu ang lalaking para sa yo," sabi nito.             Natawa ako. Sa umpisa ay mahina habang palakas nang palakas. Pero kasabay nito ay ang walang patid na pagtulo ng mga luha ko.             "Waiter, bigyan mo pa ko ng alak!" sigaw ko sa dumaang waiter.             "Annika, tama na. Umuwi na tayo."             Naramdaman ko na lang na umangat na ang puwet ko mula sa upuan. Gusto ko sanang tumanggi pero wala na akong nagawa nang kusa nang nagpatianod ang katawan ko.             Naka-akbay sa akin si Duncan para alalayan akong huwag matumba. Iniyakap ko ang isang braso ko sa katawan niya para kumuha ng lakas. Pakiramdam ko any time ay tutumba ako. Hindi ko alam kung imagination ko lang o dahil dala ng epekto ng alak, pero parang may kumislap sa bintana ng katabi naming kotse sa parking lot.             Pagkaupo sa akin ni Duncan sa shotgun seat ay hindi ko na napigilan ang mga mata kong kusang pumikit.             "Saan ang bahay ni Tito Hernan mo para maihatid na kita?" narinig kong tanong ni Duncan habang ikinakabit ang seatbelt sa akin.             Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko. Nakaramdam ako ng bahagyang kiliti kaya ibinaling ko ang mukha ko sa side niya.             "Annika? Naririnig mo ba ko?" tanong uli nito.             Kahit nakapikit, pinilit ko ibuka ang bibig ko para sabihin sa kanya ang address pero tanging pag-ungol lang ang kinaya kong gawin.             Naramdaman ko na lang na nagbibiyahe na kami. Maalog. Lalo akong nahihilo. Pinilit ko uling magsalita para magprotesta sa hilo na nararamdaman ko, pero ungol lang din uli ang lumabas sa lalamunan ko.             Hanggang sa naramdaman kong lumiko ang sasakyan ni Duncan, tapos ay huminto. Mayamaya lang ay inaalis na nito ang seatbelt sa katawan ko. Napabuga pa ako ng hangin nang maalis na niya ito. Pakiramdam ko ay lumuwag ang pakiramdam ko.             Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko mula sa upuan. Ilang sandali akong parang nakalutang sa hangin. Maya maya ay sumayad na ang likod ko sa isang malambot na bagay.             Hindi ko na magawang idilat ang mga mata ko. Parang bigla akong nakaramdam ng pangungulila.             "Klarence...." sabay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.       ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD