A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE
CHAPTER 10
Eunice;
“Maganda ang awra natin ngayon ah?”sita ng taong panira sa araw-araw ko.
“Palibhasa pangit ang araw mo kaya nandadamay ka!” Bulong ko na narinig ata nito.
“Dahil maganda ang araw mo today tumayo ka riyan at ituro mo kay Max ang ang dapat niya gawin!” Utos nito.
“Max ? “
“Yes ang secretary ni Mr.Buenaventura!” Sabi nito.
“Ano meron Dexter? At bakit ako ang dapat magturo sa kanya anarami naman diyan iba? Secretary po ako dito hindi Trainor!”sabi ko.
“Yeah i Know secretary ka kaya dapat ituro mo sa kanya ang ginagawa mo sa araw araw na gawain mo rito sa kumpanya ko!” Utos nito na kinasimangot ko.
“Naghired ka?”
“Nope!”
“Then ano?”
“Need koba magpaliwanag sa secretary ko?” Pabalang na sabi nito .
“Tssk sabi ko nga tuturuan kona!” Sabi ko at padabog na umalis ako para puntahan sa ibababa si Max na sinasabi nito.
Naupo ako pang dalawahang upuan dito sa Cafeteria ,binilin ko narin sa Receptionist na si Maylene na papuntahin na lang dito ang Secretary ni Cian na pangalan ay Max ,habang naghihintay ako bumili muna ako ng lagi kong inoorder na kape rito sa Cafeteria eto lang talaga ang kape na gustong gusto ko inumin bukod doon wala nang iba.
Saglit lang ay tinawag na ako sa may Counter para kunin ang kapeng inorder ko,kaya naman tumayo ako at kinuha na ang kape ko taimtim ako sumisimsim ng kape ng biglang may humarang sa daraanan ko kaya sa taka ko umangat ako ng tingin para lang magulat ,dahil doon di ko sinasadya matapunan ito ng kape.
“S**t!! Ouch ang init! Aray” natatarantang Reklamo nito at halos mamula ang mukha sa sobrang init ,kakakuha ko lang ng kape ko kaya talagang mainit ito ,bakit ba naman kasi bigla nalang siya nasulpot sa harapan ko.
“S-orry po Sorry!” Paghingi ko ng tawad at akmang pupunasan ang mantya sa damit niya ng bigla nitong hawakan ang kamay ko para pigilan.
“Stop!” Sabi nito kaya naman nag angat ako muli ng tingin,mabilis na binawi ko ang kamay ko sa kanya.
“Naku sorry talaga hindi ko sinasadya matapunan ka!ikaw namankasi bakut bigla bigla ka nalang nasulpot at humaharang sa daraanan ko” katwiran at Paghingi ko muli ng paumanhin.
“Naiintindihan ko! Kasalanan ko rin naman Miss! May hinahanap kasi ako rito ng marinig ko ang pagtawag sa Counter ng pangalan mo kaya ako lumapit sayo!” Paliwanag nito .
“Ow S**t ikaw ba si Max?” Bulalas ko.
“Yes!” Tipid na sagot nito
“S-orry !” Sabi ko ngumiti naman ito ng bahagyang mapansin ang pagkailang ko .
“Miss San ba rito ang Restroom ?” Tanong nito .
“Halika sasamahan kita , ituturo ko sayo kung saan ang Restroom!” sabi ko na kinatango lang nito,nauna na ako maglakad sa kanya para ituro sa kanya ang daan patungong restroom,habang naglilinis siya nakisuyo ako kay Jack na ibili ako ng polo shirt panlalaki marami pa itong tanong pero ni isa wala ako sinagot mabilis naman nakarating ang tauhan ni Jackson at inabot sakin ang isang Paper bag na may lamang damit,nagpasalamat ako sa tauhan ni Jackson at syempre nagtext ako kay Jackson para narin magpasalamat sa mabilisang kilos nito.
Saktong labas naman ni Max ay inabot ko ang paper bag, taka akong tinignan nito ng mapansin ang dala kong paper Bag na inaabot ko sa kanya.
“Magpalit kana para makapagsimula na tayo!” Sabi ko sabay muli abot ng paper bag hindi na ito umimik pa at tinanggap nalang ang damit na binigay ko sa kanya,mabilis itong nakapag bihis ng makitavko na suot na niya ang polong oinabili ko talagang bagay na bagay kay Max ang damit na binili ni jackson ang galing talaga ng kaibigan ko pagdating sa Pormahan ,kaya di na ako nagtataka bakit habulin ng babae .
“Hey Miss Eunice ! Alam kong gwapo ako pero huwag mo na ako titigan ng ganyan Taken na puso ko May nakabihag na sayang nga eh kung alam ko lang maganda trainor ko di sana ako nagpataken !” Biro nito na kinatawa ko.
“Para kang sira !tawagin mo nalang akong Eunice” Sabi ko pareho namin kinatawa ,mabilis na nagkagaanan kame ng loob dalawa marahil pareho ang trabaho namin at isa pa pareho kameng may saltik.
Tinuro ko lahat ng bilin ni Dexter, nakakatuwa kasama si Max di namin namalayan ang oras dahil pareho kame nag enjoy para lang kame magtropa na matagal na magkakilala maraming chicka itong secretary ni Cian kalalaking tao napaka daldal parang si Jackson lang.
Sabay na kame umawas ni Jackson
Ginabi na kameng dalawa dahil tinulungan ko pa ito tapusin ang gawain niya na dapat ako ang gumagawa pero nagkusa itong magpresinta na siya na raw gagawa para naman daw mas madali na sa kanya at gamay na niya ,syempre ako naman ay tinulungan ko nalang siya kaya hinating gabi ang uwi namin dahil tambakin talaga gawain ko ,nang matapos sabay na kame nagpuntang parking Lot hinintay pa ako nito makasakay bago sumakay sa sasakyan niya,halos laglag ang panga ko ng makita ang sasakyan nito.
“What the f**k ano ba trip nito sa buhay at naiisipan niyang magtrabaho bilang Secretary? Sino ba naman kasi secretary ang makakayanan bumili ng ganitong kamamahaling sasakyan?” Bulalas ko sa aking sarili tumigil pa ito at binuksan ang bintana ng sasakyan.
“Paano Eunice? Mauna na ako may dadaanan pa kasi ako !” Paalam nito na kinatango ko nalang dahil hanggang ngayon palaisipan parin sakin kung sino nga ba talaga si Max na secretary ni Cian.
Napailing nalang ako at sinimulan na paandarin ang sasakyan ko .
***********
Kinabukasan maaga akong pinapasok ng mabait kong Boss hindi ko alam sa anong kadahilanan pero isa lang masasabi ko bweset siya!,hindi ko malaman bakit mainit ang dugo namin sa isa't isa,pero di naman ako mapaalis nito,pagpasok ko sa opisina niya si Max ang nadatnan ko na kinataas ng kilay ko sa Boss ko .
“You here!?,Siguro naman close na kayo ni Max?” Walang kwentang sabi nito.
“Goodmorning Eunice!” Bati ni Max kaya naman ngumiti ako at binati siya pabalik habang dedma ng beauty ko si Boss.
“Maari na kayo umalis!” Pagtataboy nito na kinatanongl ko.
“Po?” Tanong ko .
“Sasamahan ka ni Mr.Cuevas para maging Trainor mo naman!” Sabi ni Dexter na kinamurangot ko.
“Trainor? Diba ako ang nag training kahapon bakit ngayon siya naman ang magtuturo sakin?” Naguguluhang tanong ko,hindi na ito umimik nagsenyas nalang ito ng kamay para paalisin kame,hinila naman ako ni Max pababa hanggang sa may parking lot ,hindi kona pinansin pa ang mga matang mapanuri kanina ng mga Staff ,pinasakay ako ni Max sa kanyang sasakyan kaya naman walang imik nalang ako sumakay kahit gulong gulo na ako sa mga nangyayari ngayon.
Hindi ako umimik ganun din si Max dahil wala naman ako sa mood makipagbiruan dahil masyado mga malihim ang mga ito,tumigil kame sa Buenaventura Corporation.kahit may katanungan sa isip ko hindi ko na lamang ito isina tinig pa at bumaba na lamang.
“Welcome to Buenaventura Corporation! Masayang lagwelcome ni Max hindi parin ako umimik at nanatiling nakatingin sa kanya kaya bahagya itong napakamot ng ulo ng mapansin di ako natutuwa sa nangyayari .
“Huy bakit seryoso ka?” Usisa nito.
“Bakit tayo narito ?” Tanong ko
“Ano kasi ganito yan Swap kasi tayo !” Sabi nito na kinagulat ko
“Ano?swap? “
“Yes! Swap palitan!” sabi pa nito.
“What?no way!” bulalas ko.
“Hindi kaba nainform ng boss mo?” Sabi pa nito,kahit kailan talaga yang si Dexter sakit sa ulo,palibhasa alam na kokontra ako kaya hindi sinasabi sakin.
“How many days?”
“Days?”
“Oo ilang araw!”
“Ah Buwan hindi araw Eunice!” Masayang sabi nito.
“At pumayag ka? “ Tanong ko na tango lang ang sagot at may malalaking ngiti sa labi ,siguro kung di ko kilala si Cian baka magdiwang pa ako ,na ito ang magiging Boss ko pasamantala kaso hindi at hindi talaga ako magiging ok.
“Wala tayo magagawa kundi sumun—!”
“NO!” Tutol ko at kinuha ang cellphone para tawagan ang Boss ko ,ang tagal pa bago nito sagutin .
****Calling to Dexter*****
“Ano ba itong plano mo? F.Y.I lang Dexter hindi ako gamit para iswap mo nalang kung kelan mo gusto! Im your employee not your f**king toy!” Galit na galit na asik ko hindi kona ito hinintay na magprotesta binabaan ko na ito ng Cellphone.
************
“Wow amazing!” Manghang puri ni Max .
“Ano Amazing doon?” .
“Ang tapang mo pala nagaganun mo Boss mo?lupet Lodi cakes!”.bulalas nito na may pagpalakpak pa ang loko na ito.
“Bakit?kasing bangis din ba ng Boss ko si Cian este ang Boss mo?”.
“Naku baka mas mabangis pa sa Boss mo nangangain lang naman ang Boss ko !” Pananakot nito na kinalunok ko ng laway hindi sa natatakot ako sa sinabi niya, kasi muli ko naalala ang mga gabing pinagsaluhan namin dalawa no Cian ,kung paano niya ako—- hay naku Eunice Erase! Erase ! ang maharot at mahalay mong kaisipan burahin mo iyan! Trabaho lang walang personalan.
“Hey ano tatayo nalang ba tayo rito? C’mon Eunice let's go!” Sabi nito at hinatak nalang ako papasok sa loob ng building.
“Teka Max uuwi nalang ako hindi nalang ako papasok!” Sabi ko pero huli na kasi nakapasok na kame ng tuluyan at mukhang hinihintay ang pagdating namin ni Max.
“What time is it Max?” Seryoso at malamig ba tanong nito.
“10:30 in the morning Sir!” Masayang sabi ni Max.
“Exactly !!! 3 hours lang naman ako naghintay sa pagbabalik niyo!” Seryosong sabi nito na kinangisi ni Max .
“Oh Nice kelan mo pa ako hinintay?”makahulugang sabi ni Max na kinatalim ng tingin ni Cian sa secretary niya,Bago pa magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng dalawa nagsalita na ako.
“Hi Mr.Buenaventura Sorry kung nalate kame ni Max may dinaan pa kasi kameng dalawa and im sorry Sir hindi na po mauulit pa.!” Paghingi ko ng paumanhin na mali ata ang pagkasabi ko dahil alalong naging mabangis ang awra nito ,humingavako ng sorry kahit wala naman talaga kame dinaanan at kasalanan ko naman kasi talaga ang lahat ,hindi ito umimik at iniwan nalang kame ni Max na nakamasid parin sa kanya papalayo sa amin.
“Mukhang Badtrip si Boss Goodluck Eunice sana mapaamo ang Boss ko!” Pagpapaalala ni Max .
Sinimulan na namin ang mga dapat ko matutunan at pag aralan,madali lang naman kasi halos pareho lang kame ng ginagawa ni Max pero may konting pagbabago lang kaya medyo mahihirapan ako sa una pero alam ko naman makakaya ko agad sa susunod na araw,pagtapos ay nilibot niya ako sa buong building at ang huli dinala niya ako sa magiging pwesto ko, expect ko jatulad din kay Dexter ang magiging pwesto ko pero Para lang pareho kame matahimik ni Max dahil wala ang sinasabi nito table niya sa labas ng opisina ni Cian,nadatnan pa namin ang mga iilan na sa tingin namin ay nagbuhat ng mga gamit ni Max .
“Manong Ted ! Asan po yung table and Chairs ko?” Tanong ni Max sa isang tigalinis nito.
“Naku Sir.Max hindi po ba nasabi sa inyo ni Sir.Cain na pinalipat niya sa loob ang Chairs at table niyo po!” Paliwanag nung Manong Ted .
“Bakit raw po?” Si Max.
“Hindi rin ho namain alam Sir.!”
“Ah ganun po ba? wala kasi sinasabi si Boss cian sakin oh siya Manong Salamat!”.
“Sige Sir mauna na ako !”.
“Di kapa nagsisimula pero napapaamo muna ang Lion !” Kantyaw ni Max,naiinis ako kung ano bang trip ni Cian kung gusto niya ng laro o nais niya lang mang-inis.
“Mukhang mas sasakit ang ulo ko sa isang ito,akala ko pa naman lalaya na ako sa kamay ni Dexter pero mukhang malala pa itong kalbaryo ng buhay ko sa puder ni Cian”.kastigo ko sa aking isipan.
Gustong gusto ko nalang umatras at magkulong nalang sa Condo ko kesa naman buong araw ako makakasama sa opisina niya si Cian , bahala na si Dexter nagpaliwanag tutal siya naman nagdesisyon mag isa so siya narin ang bahala magpaliwanag.
Pano ba naman ako makakakilos ng maayos kung sa bawat kilos ko ramdam ko lang ang presensya niya at nasa malapit lang siya, ok pa sana sa labas nalang ako kasi doon di ako maiilang magtrabaho at pareho kame may privacy .
Hindi ako makafocus sa ginagawa namin ni Max kasi buong oras nasa amin ang atensyon ni Cian,bahagya pa ito tumutitig ng masama sa tuwing nakikitang nagbubulungan kame ni Max o nagtatawanan ,sa ilang oras namin pagtatrabaho ni Max sa wakas makakauwi narin ako ng natiwasay,dahil wala akong sasakyan kaya si Max na ang nagpresinta na ihatid ako.
“Tara na hatid na kita sa Condo mo!” Sabi nito sasagot na sana ako ng pangunahan ako no Cian.
“It's ok Max ako na maghahatid kay Miss.Carabuena may mahalagang bagay pa kame pag uusapan para bukas,tatanggi na sana ako ng magpaalam na si Max.
“Ok Boss una na ako pano ba yan Eunice una na ako sayo ingat ka!” Sabi nito na bahagya pa bumulong sa akin.
“Huwag ka mag alala di naman nanlalapa yan si Boss nangangain lang !” Biro nito na hindi man lang ako natuwa .
“Max!”sigaw ni Cian kaya naman dali dali umalis si Max sa harapan namin.
Ngayon ay naiwan na kame ni Cian kinuha nito ang gamit ko at nauna na naglakad syempre ako naman itong sumunod nalang para naman hindi na humaba pa ang usapan pagod ako ngayon araw kaya wala ako enerhiya para makipagtalo pa.
Hindi na ako nagulat pa kung bakit nito alam kung saan ako naninirahan syempre binigay ng magaling kong boss ang information tungkol sa akin,dali dali itong bumaba ng sasakyan para lang pag buksan ako ng pinto ,pagod at antok na bumaba ako ng sasakyan , niyaya ko pa ito pumasok sa loob pero tumanggi lamang ito sa alok ko .
“You need to Rest ! Masyado kang napagod ngayon araw kakaunin nalang kita bukas ! Goodnight!” Sabi nito na kinagising ng diwa ko ,tututol sana ako pero ang lokong si Cian ay nagmamadaling umalis .
Naiwan ako nakatayo sa labas ng building habang nakatanaw sa humaharurot na sasakyan niya,bumuntong hininga ako at napagpasyahang pumasok na sa loob dala narin ng pagkapagod at antok .