A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE
CHAPTER 19
EUNICE pov;
Hindi ko inaasan ang taong mabubungaran ko sa labas ng Condo ko dahil wala naman ako ideya na pupunta siya rito at lalong wala ako maisip paano nito nalaman ang tinutuluyan ko
“Hi Eunice!”.masayang bungad nito .
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya .
Magsasalita na ito ng sumulpot si Cian sa likuran ko.
“Love? Sino yang kausa—-----?”natigilan ito ng makita kung sino ang kausap ko .
“Oh Eunice may Kasama ka pala hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya? !” Sabi nito,walang gusto umimik samin ni Cian kaya muli itong nagsalita.
“Ganyan mo ba iwewelcome ang ate mo Eunice?” Sabi pa nito.
“Love mabuti pa sa loob na kayo mag usap ng ate mo!” Si Cian na halata ang pagkailang marahil tulad ko hindi inaasahan ang pagdating ni ate Elyze,tumango ako bilang tugon kay Cian.
“Oh buti pa ang Boyfriend mo pinapapasok ako ,halika na Eunice para ka naman iba! Hindi mo ba ako namiss?”sabi nito pero parang iba ang sinasabihan nito sa dulo ng pagkasabi niya .
Hindi na ako nakakibo pa ng hatakin ako nito papasok sa loob at naupo sa sofa,
“Marami kang utang na kwento sakin bunso!”
“Ate Elyze pwede ba next time nalang nakakahiya kasi kay Cian!” Alanganin na sabi ko.tumingin naman ito kay Cian na akala mo sinusuri.
“Sige kwento mo nalang tungkol diyan sa Boyfriend mo?” Sabi nito na kinakunot ng noo ko .
“Ano kasi hindi ko siya Boyfriend !” Pag amin ko .
“Ows? Di mo siya Boyfriend pero dito siya namamalagi ?so Ano mo siya?”tanong ni ate Elyze
“A-sawa!” Nahihiyang sabi ko na kinatigil nito.
“A-sawa?” Gulat na bulalas nito .
“Oo eh hirap ipaliwanag pero ang importante kasal kame sa papel at sa paningin ng Diyos,!” Proud na sabi ko,pero parang may mali sa naging reaksyon ni Ate Elyze,natigilan ito sandali .
“Ate May problema ba?”usisa ko na kinailing lang nito .
“Wala Eunice!” Sabi nito,maya maya lang lumabas si Cian galing sa kusina.
“Love let's eat?,nakahanda na ang pagkain!” Yaya ni Cian na nakahawak na pala bsa bewang ko .
‘Wow ang Sweet naman ng Asawa mo!”biro ni ate na kinangiti ko ,bumaling ako ng tingin kay Cian pero seryoso lang ito nakatingin kay Ate Elze,nauna na nagtungo si Ate sa kusina kaya naman kaming dalawa ang naiwan ni Cian.
“Love may problema ba?”
“Wala naman Love ! halika na naghihintay na ang pagkain!” Sumunod narin kame ni Cian,nadatnan ko na seryoso pinagmamasdan ni Ate ang mga luto ni Cian.
Sabay-sabay kame kumain katapat namin ni Cian si ate at napapansin ko ang minsan pagsulyap ni ate kay Cian na sinta walang bahala ko lamang ,marahil kinikilatis ni ate Elyze mabuti ang Asawa ko.
“Mukhang matagal na kayo magkakila ah? Gaano na kayo katagal na nagsasama?” Si ate Elyze na bigla nalang nagtanong.
“Napatingin ako kay Cian na seryoso ang tingin kay ate Elyze.
“Bago palang kame ate! Mga buwan palang kame nagsasama.” Sagot ko .
“Ah ok,alam na ba ni Dad ito?” Hindi ako nakahuma sa sinabi ni ate Elyze,dahil wala naman ako balak ipakilala pa si Cian kay Dad.
“Ay sorry Bunso masyado na ata nagiging madaldal si ate!”
“Oo nga pala ate bakit napauwi ka dito sa Pinas?” Tanong ko.
“ah nagpunta kasi dito yung Ama ng Anak ko ,i mean dito ang work niya sa pinas kaya balak ko bisita ang Daddy ni Devon !”
“Hindi parin ba kayo ok?alam ba niyang narito ka” Usisa ko na kinatigil ni ate .
“Siguro ? Hindi pa kasi kame nagkikita muli eh!abala kasi siya sa ibang bagay” Sabi nito.
“Ah kamusta na si Devon ate?”
“Ok naman kahit na mas pinili ng Ama nito na umuwi sa pinas kesa samahan ang anak niya !”
“Ah ganun ba?”
“Oo Eunice ,Soon papakilala ko siya sayo!”hindi ko mawari pero iba ang kutob ko sa lalaking iyon.
Nang matapos namin kumain si Cian na ang gumawa lahat bago siya maggayak para pumasok sa trabaho ,may need lang siya asikasuhin sa opisina at uuwi rin daw siya agad.
“Bunso mauna narin si ate may need pa ako asikasuhin!” Paalam ni ate ,na akala ko magtatagal pa rito ,at tumayo na kaya naman tumayo narin ako para ihatid ito sa baba,ng saktong labas din ni Cian mula sa kwarto ko.
“Love i have to go! “ Si Cian na ngayon ay nakauniforn na nang pangtrabaho.
“Ate san ba way mo? Baka madadaanan ni Cian sumabay ka naalng sa kanya!?” Tanong ko .
“Huwag na! Ok lang ako at isa pa Dadaan lang ako ng Mall Eunice may bibilhin!
“Sakto te doon dadaan ang sasakyan ni Cian.!”
“Love pwede ba isabay mo si ate?” Pakiusap ko ,napatingin pa ito kay ate bago pa tumango,hinatid ko sila sa may baba ng makaalis na sila,pabalik na ako ng unit ko ng may tumawag sa pangalan ko kaya nilingon ko ito at si Dom na bakas ang saya sa mukha.
“D-om?” Bulalas ko,lumapit ito sa kinaroroonan ko .
“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong nito.
“Ok naman ! Salamat nga pala kagabi kundi dahil sayo baka nakahandusay na ako sa kalsada.
“Buti nga ako ang nakakita sayo! Alam mo bang delikado ang lugar na iyon para sayo! Babae ka pa naman at hindi maganda na nagsosolo ka sa kalsada.!” Sermon nito.
“Salamat sa pag aalala!” Sabi ko.
“Huwag mo na uulitin iyon pinag alala mo ako ng husto lalo ng makita ko kung gano ka katamlay nung hinatid kita rito sa Unit mo!”
“Salamat ok na naman ako ngayon!”sabi ko pero di ko inaasahan ang paglapat ng kamay niya sa noo ko para salatin kung may sinat pa ako.
“Take this mas makakabuti sayo yang Herbal na ginawa ni yaya,sinamahan ko narin ng gulay at mga prutas!” Sabi nito at inabot ang paper bag na may lamang lunchbox at yung herbal tea.
“Salamat sana di kana nag abala pa!” Sabi ko.
“Wala yun dito rin naman ang way ko ,may pupuntahan kasi ako Client malapit rito kaya naisipan ko daanan ka at iabot ito!”
“Salamat!”
“Pano Euncie una ako ,umakyat kana sa taas para makapagpahinga ka !” Sabi nito kaya naman tumango ako at iniwan na si Dom na nakamatyag parin sakin.
Nang marating ko ang Unit ko bigla naman Sulpot ni Jackson .
“Ay Hudas!” Gulat na bulalas ko .
“Tssk pogi naman ako sa Hudas na iyon!” Pairap na asabi nito.
“Alam mo Jackson magkakasakit ako sa puso ng dahil aayo!” Sita ko.
“Ito naman di mabiro!”sabi pa nito at napatingin sa dala dala kong paper bag .
“Ano yan pagkain? Pahingi?” Sabi nito.
“Sige !halika na sa loob kainin natin itong dala ni Dom!!” Sabi ko na kinakunot ng noo nito.
“Ok na kayo ng lalaking iyon?” Tanong nito na kinatango ko.
“Haist Eunice ang bait mo talaga!” Sabi nito.
“Tssk ,!”
“Bakit ba ang bilis mo magpatawag ?”
“Kung ang diyos nga nagpapatawad ako pa kayang alagad niya lang na kaya rin naman magtawad basta alam mong pinagsisihan na niya ang lahat!” Paliwanag ko na kinatango lang nito at nauna na pumasok sa loob”.
“Wow feel at Home? “ Biro ko .
“Naman!” Sabi nito at akmang kakainin yung pagkain na binigay ni Dom.”
“Hey Jackson kakainin mo talaga iyan? “ Takang tanong ko.
“Oo naman Yes bakit ayaw mo mamigay?” Sabi nito.
“Hindi naman pero sakin kasi binigay yan!” Alanganin ako ngumiti.
“May sakit ka paba?” Usisa nito.
“Wala na!” Sabi ko
“Ayun naman pala wala kana sakit kaya akin nalang ito!” Sabi nito na kinailing ko nalang,paano ba naman siya ang owner nito ni pagkain wala siya.
“Buti napagtatyagaan ka ng babaeng kinababaliwan mo!” Sabi ko na kinataas ng kilay nito.
“Ano ibig mong sabihin?”
“Na napagtatyagaan ka niya kahit sinto sinto ka!?”deretsyahan kong tanong.
“Hotdog ko nga nagpagtityagaan niya ,ako pa kaya?” Sabi nito sa mahalay na salita kaya walang ano ano na binatukan ko ito ng napaka lakas.
Tawanan at biruan ang ginawa namin ni Jackson ,tutal wala naman ako gagawin pang iba at isa pa ayaw din ni Cian na lumabas muna ako dahil hindi pa daw ako masyado magaling baka mabinat pa ako kung magtatrabaho agad ako naipagpaalam na raw niya ako kay Dexter at pumayag naman ito na lumiban muna ako ng ilang araw .
“Diko alam pero bigla nalang ako nakaramdam ng kung ano ngayon araw,paano kung sa mga araw na ito iba na ang mangyari ? Mag iba ang ikot ng mundo? Makakaya ko kaya ?.”mga katanungan na bumabagabag sa akin isipan.
"Hey Elona Eunice napapadalas ang pagiging natutulalain mo? may problema ba?" usisa ni Jackson na mapansin ang pananahimik ko bigla.
"wala naman marahil napagod lang ako!" pagtanggi ko na alam ko naman hindi ito maniniwala sa akin.
"kung ano man iyan alam kong makakaya mo!" tanging sambit ni Jackson na nagbigay ng lakas sa akin.
"Sana nga Jackson!" tanging sambit ko lang.