LTI 2

1560 Words
A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE BY ; MHAYIE CHAPTER 2 EUNICE; Nakakailang lagok na ako ng beer ng may umagaw ng beer na hawak ko,sa gulat ko pinukulan ko ito ng masamang tingin . “What the—?” Natigilan ako ng makilala ang lalaking umagaw ng beer ko,inisang lagok niya lang ito na para bang hindi ito galing sa agaw,speaking of agaw naalala ko nanaman ang babaeng iyon pati ang Fiancee ko . “Masarap pala to! “ Sabi nito at tumingin sa akin ,muli na naman kumalabog ang dibdib ko na para bang pamilyar na nararamdaman ko na ito dati di ko lang mawari saan at kailan,pero nanaig sakin ang inis ng agawin niya yung iniinom ko . “Patay gutom kaba? Iniinom ko yan bakit nang aagaw ka ? Paano ka nakapasok dito sa bar kung wala kang pera at nang aagaw ka ng inumin ng iba?” Inis na sabi ko . “Nacurious lang ako sayo Miss ,pareho naman tayo ng iniinom bakit ang dami mo na naiinom ano ba lasa ng inumin mo at bakit parang sarap na sarap ka sa beer na ito? Same lang naman tayo so para malaman ko tinikman ko!” Walang kaartehan na sabi nito . “Tssk ! pake mo ba? Kung nanghingi ka nalang hindi yung nang aagaw ka!” Sabi ko at muling kinuha ang isang bote ng beer at nilagok ito pero ang lokong lalaking ito muli nanaman hinablot . “Penge ah!” Sabay agaw at lagok ,hindi ko alam kung anong trip nito pero kahit abnormal tong lalaking ito hindi ko magawa mainis o ipagtabuyan ito marahil kailangan ko rin ng kasama. “Ang sabi ko manghingi ka hindi mang agaw!” “Nanghingi naman ako?”pilosopong sagot nito pero seryoso parin ang mukha . “Pero inagaw mo parin!” “Iba kasi ang lasa pag nainuman mo na!” Sabi nito pero ewan ko parang nag init ang pakiramdam ko sa sinabi nito kaya umiwas ako ng tingin napansin ko pa ang pagngisi nito ,kaya akmang kukuha ulit ako ng beer ng unahan ako nito. “Patay gutom kaba talaga at dinadaan mo ako sa mga galawan mong ganyan ?” Walang prenong sabi ko muli kaya natigilan ito sa akmang pag inom at tumingin sakin. “Oo patay na patay sayo!” Sabi nito ,sininok naman ako sa banat nito.. “Im just kidding!” Bawi nito kaya napairap ako sa joke nito na di mabenta sa akin. “Patay gutom na sira ang tuktok!” Sabi ko,kung tutuusin sa dami ko na pala nainom tinatamaan na ako ng espiritu ng alak ,maya-maya lang ay inabutan ako ng alak nito marahil naawa sakin ito o nakunsensya dahil ako ang bumili pero siya ang uminom ,akala ko panonoorin ko nalang ito uminom ng inorder kong beer pero nahabag ata?.Nagkagaanan kame agad ng loob pareho na kame may tama pero mas ako ang matindi ang tama dahil sa dami ko nainom kumpara sa kanya na mas marami pa ang pagtitig sa mukha ko kesa sa paglagok ng alak. “May Girlfriend kaba?” Hindi ko alam bakit naitanong ko ito,kahit alam ko naman ang sagot sa gwapong nito baka dami jowa nito at pila pila pa. “Wala!” “Asawa?” “Wala pa!” “Wala pa?so looking for wife ? “Yeah!” Sabi nito . “Ok lets get married!” Biro ko pero ang loko tumingin sakin ng seryoso ,pero ang kinataka ko ng bigla nito kinuha ang Cellphone at may tinawagan,ilan sandali pa ay may lumapit samin na kinakunot ng noo ko sa bilis nitong dumating at dahil hindi ako maaring magkamali kahit lasing ako kilala ko ito . “Attorney Levie?” Pagkumpirma ko. “Yes Miss Eunice!” “Anong ginagawa mo dito?” Usisa ko,ngumisi lang ang lokong attorney na ito. “So nahanap mo na pala ang future wife mo?” makahulugang Sabi nito sa kasama kong lalaki pero sinawalang bahala ko na lamang ,pero teka future wife? Tama ba pagkakaintindi ko o kung ano ano lang naririnig ko?. “So ano simulan naba natin? “ Tanong ni Attorney muli,kahit naguguluhan ay sumang-ayon nalang ako sa trip nitong dalawa nakakahiya naman kung puputulin ko ang kapantasyahan nitong kasama ko di naman sa nag aangat ako ng bangko pero sige magbubuhat na ako ng sarili kong trono,maganda naman ako at may panlaban ako sa mga babae nito sexy at matalino yun nga lang nagawa parin lokohin o siya change topic basta maylaban ako ! At isa pa di naman ako kj kaya go sakyan ko nalang trip nito sa buhay tutal sinamahan naman ako nito mag inom. “Ok attorney!” Ako na ang nagsalita dahil mukhang wala naman balak magsalita itong kasama ko,pero inferness ng larong ito kasal kasalan at talagang prepared ang attorney na ito may pa wedding ring na dala saan kaya tiange nabili ito malamang yung tig 50 pesos ito pero galing ni attorney mukhang mamahalin huh at talagang mukhang nag iisa lang ito sa mundo na couple ring kasi kung may brand to wala pa ako nakikitang naglalabas nito hindi man ako materialistic o mahilig sa alahas pero updated ako sa mga bagong labas at ilalabas palang kaya for sure puchu-puchu ring lang to na nabili sa tabi tabi ,syempre laro lang ito kaya nagpretend nalang ako na masayang bride ,asus di makakatulog tong lalaking ito naikasal sa Crush niya hahaha,masyado ginalingan no attorney ang seremonya ako’y bilib dito kilalang matinik at kinatatakutan ito pero nakikipaglaro lang sa bar? Gosh sinto sinto din ata to?. “You may now kiss the bride!” Anunsyo ni Attorney na kinatigil ko. “Teka kiss? Kasali din ba ito sa laro? Hindi ko alam pero imbis na tumutol ako napapikit pa ang gaga,at eto na nga humopia ang beauty ko girl dahil akala ko sa lips aba magentleman sa noo ,so after wedding? Honeymoon naba?.” Pagkatapos namin maikasal este maglaro ay umalis na agad si Attorney ,nagbiro pa nga ito ng “Bro ingat ah baka di mo mapigilan at malumpo mo si Eunice!” Halos mag init ang mukha ko sa biro nito,naiwan pa kame dalawa syempre ginalingan ko ang acting artista ata dapat ang trabaho ko dito dahil sa galing ko umacting ewan koba sa nagsusulat nito at bakit naisipan secretary ang beauty ko,so ayun na nga nagwalwal pa kame actually ako lang pala hinayaan niya lang ako mag isa dahil di rin naman ako papaawat . Nagiging makulit at maingay na ako sa bar dala ng tama ng alak hinahayaan lang niya ako magsusumayaw sa gitna pero ang mga mata ay sa akin lang nakatuon hanggang sa may bumangga sakin ,kamuntikan na ako mag out of balance pero mabilis naman ako hinawakan ng taong bumangga sakin. “Oh sorry ganda!” Sabi ng lalaking umalalay sakin . “S-alamat !” Sabi ko ,nakatingin lang sakin ang lalaki ano ba tong bar na to ? Tambayan ng gwapo? Bakit ang dami naman gwapo sa lugar na ito?. Naiilang ako sa pamamaraan ng pagtitig nito kaya naman bahagya ako kumawala sa hawak niya sakin pero parang sinsadya niya higpitan ang pagkakahawak sa bewang ko,hindi na ako kumportable sa ginagawa niya kinabahan pa ako ng binalak pa nitong ilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya naman nagsalita na ako . “Le’t me go!” Sabi ko at bahagya ko tinutulak ito. “Can i taste you?” Walang prenong sabi nito,kaya kumunot ang noo ko . “Bastos! Pwede ba Bitawan mo ako! “ Sabi ko pero ngumisi lang ito . “Yan ang gusto ko sa babae palaban for sure Wild at palaban din sa kama!”muli ko ito sinampal pogi nga pervert naman . “F*ck you!” Gigil na sabi ko . “Yeah later i F*ck—------” di na natuloy ang sasabihin nito ng bigla nalang ito bumagsak sa sahig,sa bilis ng pangyayari di na ako nakahuma pa . “Then i Kill you Later Man!” Nanlilisik na mga mata na sabi ng lalaking kasama ko. “Ano ba problema mo pare? Nagsasayaw kame ng girlfriend ko!” Sabi ng pervert na lalaking to at talaga sinabi pang girlfriend niya ako kapal huh. “Really Girlfriend?”si Cian. “Yes sino kaba ah?” “Ako lang naman ang Asawa ng babaeng binabastos mo,try to touch again my Wife ako mismo ang maghahatid sayo kay santanas! Hindi ka marunong kumilala ng terotoryo ! Wala ako sinasantos kapag pagmamay ari ko ayoko may nakikihati o nakikiagaw alam mo ang ginagawa ko? Nililibing ko ng buhay!” Kalmadong sabi nito pero sa sinabi niya para akong natakot as in nakaramdam ako ng pagiging possessive husband? Kahit alam kong laro lang ito. “What happen Mr.Cian?” Tanong ng lalaki sa tingin ko ito ang Manager ng Bar. “Bakit may nakakapasok na ganitong uri sa Bar niyo?” Tanong ni Cian,nakita ko pa paano naaligaga ang Manager “Sorry po sir di na po mauulit! Pasensya na po!”panghingi ng paumanhin nito,binalingan ko naman ang lalaki na kanina nambastos sa akin halos mamutla ang mukha sa takot siguro sa banta ni Cian. Hindi din ako nakaimik dahil iba pala magalit itong kasama ko kalmado pero nakakatakot .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD