YB Chapter 9

1155 Words
"I like you Sukan... I want to know more about you... I want you to be with me... Can you be my girlfriend?". Yan ang mga katagang binitawan ni Amir kay Sukan habang tinititigan ang mukha ni Sukan hawak ang malalambot nitong kamay. Tumayo siya at nilapitan niya si Sukan. Muling hinawakan niya ang mga kamay nito at dahan dahang pinatayo. Hinalikan niya ito at niyakap. He treated her like a princess that night. Sa isang napaka romantic na restaurant siya dinadala ni Amir. Napakaganda ng paligid. May masarap na wine at isang bouquet na red roses. Sabayan mo pa ng mga romantic music na tila lalong nagpaganda ng gabi nila. Amir is the company's client where Sukan works. The first time he met Sukan, he was mesmerized by her beauty. Para siyang nakakita ng Diyosa na napapaligiran ng mga bulaklak ng araw na iyon sa kanilang unang pagkikita pa lamang nila. Nakaramdam siya ng kakaibang feeling na gusto niyang maging kabiyak ang babaeng ito. Gwapo si Amir, Matangkad siya at matipuno. Parang nabuhay siya para maging isang Basketball player. Tuwid ang kanyang buhok at napakaputi niya. Kung titingnan mo siya mula ulo hanggang paa, makikita mo na parang napaka linis niya at napakakinis. Walang babaeng hindi mahuhulog sa kagwapuhan niya. Hindi siya mayaman na tipong nasa kanya na lahat pero masasabi mo na mukhang maganda naman ang kanyang pamumuhay. "I don't know why you like me and I don't know why I came here to have a dinner with you, but I feel like I should go with you". Sukan said na parang nagniningning ang kanyang mga bata habang nakatitig kay Amir "You always make my morning beautiful and some more It made me feel like always going to work" Amir said while holding Sukan's hands. Namula si Sukan ng todo at wala na siyang ibang nasabi pa kundi... "But Yes Amir, whatever I am thinking right now, my heart says yes I can be your girlfriend!" Sukan said. Halos mapatalon ang puso ni Amir sa sagot ni Sukan. Masayang masaya siya. Napakasaya ng gabi nila. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ng isa't isa. Para bang mga dalaga at binata sila na nakakita ng pag ibig sa isa't isa. Natapos ang dinner na masayang umuwi ang magkasintahan. Hinatid ni Amir si Sukan sa bahay nila. Nagpaalam ito sa isa't isa na para bang ayaw pa nila maghiwalay. At sa huli ay nag kiss sila ng goodnight. Pag pasok ni Sukan ng bahay ay niyakap niya agad ang favorite stuff toy niya. At kinausap niya ito na tila ba magsasalita ito at magrereact sa kwento niya. " Alam mo Kokkiri, ang saya saya ko. Kami na ni amir". Sabi ni Sukan. Hanggang nag daydream na naman siya at nareminisce ng mga pangyayari kagabi. Fresh pa sa isip at puso niya ang mga pangyayari. Ito na yata ang isa sa pinakamasayang nangyari sa kanya. Parang lumulutang sa ulap si Sukan hanggang sa nakatulog siya. Napakasaya ng weekend niya sapagkat nakasama niya ang taong mahala niya na tinititigan niya lang sa office noon at ngayon ay boyfriend na niya. "Good morning Guys! Have a great day!" Masayang bati niya sa group nila nina Kyla at Benj. "Good morning Sukan! Hindi ka na nagreply sa amin nung friday night, natuloy kayo ni Amir ano?" sabi ni Benj na may halong pangungulit para magkwento si Sukan. "Good morning Benj and Sukan! Oo nga hindi ka na nagreply mukhang busy ka kagabi". sabi ni Kyla sabay send ng laughing emoticon. Nireplyan lang sila ni Sukan ng isang matamis na ngiti ng emoticon. ayaw kasi ni Sukan na sabihin ang tungkol sa kanila ni Amir ng hindi kaharap ang mga ito. Pagdating sa opisina, nagkita kita ang magkakaibigan. Nang magkausap sila, sinabi ni susie na sila na ni Amir. "I knew it from the start! Na notice ko na may gusto si Amir sayo". Sabi ni Kyla na para bang alam na alam ang lahat ng bagay sa kanila ni Sukan. Masayang masaya naman si Kyla kahit ganon. "Oo nga ako din napansin ko un!" sabi ni Benj. Na masaya din para sa kaibigan. "Talaga?" Kinikilig pa na sabi ni Sukan. "So kayo na nga ni Amir?" Sabi ni Benj ng pabulong na para bang ayaw niya na may makarinig nito. Gusto ap lalong kumpirmahin na si Sukan at Amir na talaga. "Yup kami na" Sabi ni Sukan. Na kinikilig kilig pa. "Im so happy for you Sukan". Sabi ni Kyla Nagharutan at nagkulitan ang magkakaibigan. Masaya sila para sa kaibigan nila dahil sobra sobrang pain na ang na experience niya and it's time for her to be happy. Araw araw sabay sila napasok ni Amir at sabay din sila maglunch at umuwi. Hindi niya maiwasan na magtanong kay Amir. "Anong nagustuhan mo saken at bakit ako?" Sabi ni Sukan. "Kelangan ba lagi may reason para magustuhan mo ang isang tao?" sabi ni Amir. "Kasi divorce ako, Bukod pa dun ay may dalawang anak na ako. Gusto kita pero baka magbago pa isip mo" Malungkot na sabi ni Sukan sabay yuko ng ulo niya. "As long as hindi magbabago ang pagtingin mo saken hindi rin magbabago ang pagtingin ko sayo". sabi ni Amir. Kinilig naman si Sukan at masaya silang nakauwi ng bahay. Sobra sobrang saya ang nararamdaman ni Sukan. Feeling niya sa lahat ng hirap na narasanan niya ito na ang pagkakataon para maging masaya siya. Hindi man naging successful ang unang pagibig niya siguro naman ito ay iba. Mukha namang naiiba si Amir sa lahat. Hindi rin kasi biro ang nangyari sa kanya at sa dati niyang asawa. Pero enough na ang mga nangyari sa kanya. Ito na siguro ung tamang time para sumaya naman siya sa tatlong taon nilang paghihiwalay ng dati niyang asawa. Palagi sumasagi sa isipan niya na hindi worth it na ipinaglaban niya ang pagmamahal niya sa dating asawa niya dahil niloko lang siya nito. Pero maayos na naman sila ng dating niyang asawa. Okay na ulit ang turing nito sa kanya ganun pa man ay hiwalay na talaga sila. Hindi naman makapagfocus si Amir sa ginagawa niya. Meron kasi siyang report na tinatapos pero hindi mawaglit sa isip niya ang mga nangyari nang sinagot na siya ni Susie. Sobrang saya ng naramdaman niya. Hindi niya maiwasan na maimagine ang malalambot na labi ni Sukan. Ang kagandahan niyang taglay. Samantalang seryoso siyang tao at palaging focus sa trabaho pero ngayon ay hindi niya man lang magawang matapos ang report niya. "Focus Amir! Please focus! In love na nga yata ako" Sabi ni Amir habang hindi makapaniwala na dumating na ang araw na mainlove siya. Noong nasa college pa sila madami ang nagkakagusto sa kanya pero hindi niya pinapansin ang mga ito at hindi niya din pinakikisalamuhaan. In short ay talagang suplado. Kahit masaya ang pakiramdam niya hindi pa din nawawala sa puso niya ang naiwan niyang pangako sa magulang niya sa bansa nila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD