Marami pang mga bagay ang na-weirduhan ang binata. Ngunit ganoon nga yata kapag buntis. Ibinigay na lamang niya ang nais ni Sukan. Katulad ng advice ng doktor ng asawa niya ay hindi pare-pareho ang pagbubuntis kahit pang ilang anak na ng isang babae. Maaaring noong una kang nagbuntis ay hindi maselan ang kalagayan mo. Maaari naman na hindi ka naglihi noong ikalawa mo at maaari rin na naging sensitibo ang pang-amoy mo sa ikatlong pagbubuntis mo. Nakadepende ang lahat ng iyon at hindi pare-pareho. Ang iba ay maaring hindi naranasan ang nararanasan ni Sukan ngayon kahit nakailang beses na silang nagbubuntis. At ngayon nga ay maselan ang kay Sukan. Halos naduwal siya sa amoy ng bawang na ginigisa ni Amir. “Okay ka na ba? Balik ka muna sa kuwarto kung gusto mo. Tawagin na lang kita kapag oka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


