Nice
Nagseselos ako.
Nang nag-online ako at nag-open ng f*******:, nakita ko ang in-upload niyang selfie picture na kasama ang isang lalaki. Dikit na dikit ang mga pisngi nila. May hashtag pa. Sabi niya: #feelinghappy.
Nagpapaselos ba siya? Effective... Nagseselos ako. Ngayon ko lang kasi nakita ang mokong na iyon. Hindi namin iyon classmate o schoolmate. Malamang, kapitbahay niya 'yon.
Gusto kong makilala ang pinili niya, kaso hindi niya tinag, kaya 'di nag-appear ang pangalan. Sa dami naman ng friends ni Riz, hindi ko naman maisa-isa pang buksan. Ang iba kasi poser naman at anime ang profile pic.
'Di ko maiwasang magselos. May hitsura naman 'yong lalaki. Mas guwapo nga lang ako. Pero ang bottomline, siya pa rin ang choice ni Riz. Hindi ako. Hindi ko kasi siya sineryoso.
Gusto kong mag-comment sa picture nila, pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala akong dahilan para magselos. Siguro kung magkokomento ako, 'nice one' ang dapat kong sabihin. Nice shot. Pero, hindi nice na maging sila. Hindi ako papayag.
Riz
Nagseselos ako.
'Yan ang status update ko ngayon. Andami agad Likes at Comments. Sabi ng iba: kanino? Bakit naman ang tanong ng iba. Pero si Dindee lang ang kakaiba. Sabi niya kasi: "Ano ba ang nagawa ko, Red?"
Hala! Akala niya ay patungkol sa kanya ang post ko. Hindi ko na lang ni-reply-an. Alam ko kasi mababasa ni Riz. Lalo lang siyang magagalit sa akin. Ayokong isipin niya na nagpapaikot lang ako ng mga babae. Hindi ako two-timer. Alam 'yan ng Diyos. Kung meron man akong unang mamahalin, siya na iyon. Hindi si Dindee.
Hindi ko lang alam kung saan ako dadalhin ng selos ko. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na pinagseselos lang ako ni Riz at ng mokong na iyon. Pero, mas lamang ang pag-iisip ko na sila nga. Although, hindi pa niya binago ang relationship status niya, malakas ang kutob kong magsyota nga sila.
Shit ako! Buwisit! Torpe ko kasi.
Torpe ka, RED! Naunahan ka tuloy!
Kailangan ko na sigurong magpatulong kay Daddy. Siya ang makaka-solve nito. Siya ang maraming alam sa ganitong problema. Kung kay Mommy naman, sasabihin lang n'on sa akin na "Bahala ka na, Red! Basta lagi mong tatandaan na kaming mga babae ay mahihina. Huwag mong gawing laruan ang mga babae.."
May point naman siya lagi. Kaya lang hindi niya ako mabibigyan ng tips para mapasagot at makuha ang Oo ng babae.
Ewan! Hindi na ako mapakali. Uwing-uwi na ako sa Manila. Hindi na ako makatulog dito sa probinsiya. Hindi na maalis sa isip ko si Riz. Gustong-gusto ko na siyang makita at makausap. Oh, Riz..