Praning -- Toy Car

478 Words
Praning Maaga akong bumangon, kahit kulang ako sa tulog, dulot ng pag-iisip ko kay Riz. Kinontak ko siya. Tatlong beses. Ngunit, hindi niya sinasagot. Ring lang nang ring ang cellphone niya. Mahigit bente-kuwatro oras na niya akong tiniis. Wala ni isang text. Nag-open ako ng sss ko. Binuksan ko ang timeline niya at nabasa ko ang status update niya 20 hours ago. "Hindi ko ipinipilt ang sarili ko sa taong ayaw sa akin." Galit nga siya. Akala niya ay pinaasa ko lang siya. Ang totoo, torpe lang talaga ako. Litseng pangarap na 'yan! Bakit ba kasi pinangarap ko pang magpari? May nasaktan tuloy ako. Hindi ko sinasadya. Dati naman ay hindi ko siya iniisip. Ang relasyon namin ay tulad lang ng sa mga kaibigan ko. Bakit ngayon ay pareho kaming nagtatampo? Kung kelan handa na akong ligawan siya, saka naman siya sumuko. Nag-comment ako sa post niya. Sabi ko: "Hindi niya pinilit mahalin mo siya. Pero, hindi ka rin niya pinaasa. Nahuhulog na nga ang loob niya sa'yo." Shit! Ang lakas ng loob ko! First time kong gawin ito. Ni minsan, hindi ako nag-comment tungkol sa pag-ibig. Tama nga sila, nakakapraning ang umibig. Toy Car Hahayaan ko munang mag-isip si Riz. Siguro ay kailangan naming mag-usap nang personal. Mabuti na rin na dinelete niya ang post niya, kung saan ako nag-comment. Naisip niya rin siguro, na baka tuksuhin lang siya ng mga kaibigan namin. Naisip ko rin, na baka gusto na talaga niya akong iwasan nang tuluyan. Sana 'wag niya naman akong i-unfriend sa f*******:. Iiwasan ko na rin ang pag-like at pag-comment sa mga post ni Dindee. Siya kasi ang dahilan ng lahat ng ito. Habang binibigyan ko ng panahon si Riz. Naisipan kong maglaro ng aking remote control car. Nag-isip-bata na naman daw ako, sabi ni Mommy. Hindi niya alam na may pinagdadaanan ako. Kung pwede ko lang sanang ipagtapat sa kanya. Kay Daddy ko lang ako nag-o-open up. Siya kasi ang kasama ko sa bahay. Isa pa, andami niyang experience. Enjoy na enjoy ako sa paglalaro ng toy car. Pinagtripan ko ang pusa. Pinapahabol ko sa aking laruan. Ang lolo ko naman ay panay ang tawa. Astig daw. Samantalang ang mga pinsan kong lalaki, tulo-laway. Gustong manghiram. Kaya, nang mapagod ang mga daliri ko, pinahiram ko sa kanila. Ang bilin ko lang ay huwag nilang ibabangga nang todo para 'di magasgas. Ayokong may gasgas ang kahit isa sa mga toy car collection ko. Salamat sa laruan ko. Kahit papaano ay nalimutan ko si Riz. Naisip ko naman sa bandang huli, na hindi ko dapat siya kinakalimutan. Dapat ay sinusuyo ko pa nga siya dahil ako naman ang lalaki. Tama! Susuyuin ko siya. Ipapadama ko sa kanya na totoo ang sinasabi ko. Alam ko, nagpapakipot na siya. Dati naman ay vocal at obvious siya sa kanyang damdamin. So, it's my time to make the first move.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD