Isang Araw
Isang oras ang lumipas, hindi pa rin nag-reply si Riz. Nakapag-reply pa siya kanina sa akin. Nakakapanibago siya. Dati-rati naman ay lagi siyang may text sa akin. Ginagawa na niyang hobby ang pag-send ng greetings at quotes. Bakit ngayon... nag-lie low siya?
Miss ko na ang mga jejemon text niya... Miss ko na siya.
Hanggang kailan kaya niya ako kayang tiisin? Hanggang kailan ko rin kaya siya kayang unawain? Kung kelan pinag-iisipan ko na ang panliligaw... kung kelan handa na akong maranasan ang mag-syota, saka pa niya ako lalayuan at titikisin. Kung kelan malapit ko na siyang mahalin...
Handa akong maghintay ng isang araw.
Kapag hindi niya ako tinext sa loob ng isang araw, ibig sabihin... sumuko na siya. Ayaw na niyang hintayin ako. Ayaw na niyang mahalin ako.
Madali rin lang akong sumuko sa lahat ng bagay. Siguro ay ganoon din sa pag-ibig.
Gitara
Habang hinihintay ko ang text ni Riz, ka-text ko naman si Dindee. Wala ako sa mood makipagtext sa kanya, kaya lang nahiya naman akong hindi siya reply-an. Kaya, naging isang-tanong-isang-sagot na lang ako.
Nangungulit si Dindee. Nagyayayang mag-disco o kaya mag-swimming. Hindi lang ako nag-commit. Ang sabi ko lang, masama ang pakiramdam ko.
Ang kulit ni Dindee! Mabuti na lang at naubusan ako ng load. Kaya, nang tumawag siya, sinabi kong wala na akong load. Mabuti na lang at hindi ako pumayag na load-an niya ako. Hindi naman siya nakakasawang ka-text. Tinatamad lang ako. Si Riz kasi ang laman ng isip ko.
Nang nanahimik na si Dindee, gitara naman ang ipinang-aliw ko sa sarili ko. Kahit paano ay nawala ang pagtakbo ng isipan ko kay Riz.
I'm here without you, baby
But you're still on my lonely mind
I think about you, baby
And I dream about you all the time
I'm here without you, baby
But you're still with me in my dreams
And tonight it's only you and me, yeah.
Paulit-ulit ko itong kinanta, ang isa sa mga paborito kong kanta. Hanggang sa maalala ko uli si Riz.
Shit! Di siya maalis sa isip ko...