Text Messages -- Faithful

465 Words
Text Messages  Alas-nuwebe na ako nagising. Napuyat ako kagabi sa kakaisip sa mga nangyari kahapon, na kasama ko si Dindee at ang kanyang mommy. Pag-open ko ng cellphone ko, nabasa ko lang naman ang mga messages ni Riz. Gud mownin"! :) muxta? "A friend is someone who knows all about you and still loves you." -- Elbert Hubbard "Siya na ba ang girlfriend mo?" :( Wala akong load. kaya hindi ko siya ni-reply-an. Siguro, nag-upload na si Dindee ng mga pictures namin kagabi sa Santacruzan. Tapos, tinag sa akin, kaya nakita ni Riz. Selos naman agad si Riz. Pictures pa lang naman ang namagitan sa amin ni Dindee. Ganyan pala ang mga babae. Pakitaan mo ng sweetness ay mag-a-assume, na kayo na. Hindi pa nga ako nanliligaw. Hindi pa kasi ako marunong manligaw. Oo, type ko silang dalawa, pero 'di ko alam, kung sino sa kanila ang papasa sa standards ng Mommy at Daddy ko. Sila ang mga idols ko, kaya ang unang babaeng iibigin ko ay nararapat lang na ayon sa kanilang kagustuhan. Mamaya, pagkaalmusal ko, re-reply-an ko si Riz. Kakausapin ko rin si Mommy tungkol kay Dindee. Boto kaya siya?  Faithful Nilambing ko si Mommy, pagkatapos kong mag-almusal para bigyan ako ng pang-internet load. Sinabi ko kasi na inupload na ni Dindee ang mga pictures namin kagabi. Since, excited siyang makita, binigyan niya ako ng pangload. Tapos, tiningnan naming lahat ang mga photos. Tawa kami nang tawa sa mga kuha namin ni Dindee. Ang sweet daw namin, sabi ng mga pinsan ko. Pati nga ang lolo ko ay nakiki-uuuy na rin. Nang kami na lang ni Mommy ang nasa kuwarto, tinanong niya ako tungkol kay Dindee. "Kayo na ba?" Nakangiti naman siya. Animo'y kinikilig. "Hindi pa po, Mommy," sabi ko. Nalungkot siya. Bakit daw? Akala raw niya ay kami na. Bagay na bagay raw kami. Kaklase pa niya ang mommy nito, kaya boto siya. Kaso, hindi kami, e.. Hindi nga ako marunong manligaw. At hindi ko alam kung paano ko liligawan. Isa pang rason, magpapari ako. May Riz pa, na sa akin ay nagpaparamdam. Paano na kaya ito? Isa lang naman ang puso ko. Okay naman sanang maranasan kong magkasyota, habang hindi pa ako nakakapasok sa kumbento, kaya lang... magiging salawahan ako, kung pagbibigyan ko pareho ang dalawang babae. Kung si Daddy ang tatanungin ko, malamang... magiging playboy rin ako, na gaya niya. Masarap kayang maging two-timer? Siguro... Pero bilang first timer sa paggi-girlfriend, gusto ko sanang maging buo ang pagmamahal ko sa isang babae. Dapat akong magmahal ng isa lang. Kailangang kong mamili ng liligawan. Ramdam kong mahal ako ni Riz. Gusto rin ako ni Dindee. Type ko silang pareho. Boto si Mommy kay Dindee. Sigurado akong, gusto ni Daddy ang dalawa... Ang gusto ko? Isa lang... I want to be faithful.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD