Kanta

214 Words
Nagtext si Dindee sa akin. Mali-late daw siya ng uwi kasi kailangan niyang mag-research s alibrary nila. Naunawaan ko naman siya. Hindi na ako nagseselos ngayon sa lalaking nagkaka-crush sa kanya. Alam ko kasi na ako ang mahal niya, lalo ngayon na binibigyan niya ako ng pag-asa sa pamamagitan ng mga points. Natapos ko naman ang lyrics ng kanta dahil wala siya. Heto ang kanta na wala pang chords: IIBIGIN KITA I. Kailan ko lang naramdaman Ang puso ko ikaw ang laman Ngayon, pati sa aking isipan Tumatakbo ang iyong pangalan. Pangako ko, kailanpaman.. KORO: Iibigin kita, aking mahal Sa dulo ng mundo, walang alinlangan Pagkat sa'yo lamang, pusong ito Sa'yo lang ako liligaya, Iibigin kita, aking sinta. II. Handa akong maghintay Aking panahon sa'yo ay iaalay Anuman ang mangyari,  Puso ko sa'yo nakatali Walang ibang mamahalin Walang ibang iisipin Kundi  ikaw ay makapiling Ngayon  at sa panahong darating.. (Ulitin ang Koro) Iibigin kita.. Mamamahalin kita.. Dito sa puso ko.. Ikaw ang tanging laman. (Ulitin ang Koro) Ayos! Natapos din. Dumating na si Daddy kaya hindi ko na naituloy ang paglalagay ng tono, chords at melody. Bukas ko na lang siguro gagawin sa school. Dadalhin ko ang gitara ko bukas. Tapos, tinext ko si Dindee. Sabi ko: "Ingat k s pg-uWi. See U.. Tsup!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD