Like Father, Like Son -- Unli

418 Words
Like Father, Like Son Naglinis ako ng bahay, buong hapon, habang nasa opisina si Daddy. Mula siguro nang nagbakasyon ako sa Aklan ay hindi nalinisan ang bahay. Naunawaan ko naman siya. Isa pa, hindi naman masyadong marumi. Alikabok lang at konting kalat. Napuri ako ni Daddy nang makita niyang luminis ang kabahayan. Sabay sabing "May hihingin na naman ba ang binata ko?" Napatawa kami pareho. "Wala po," depensa ko. "Wala rin po akong lagnat." Nakipag-apir pa sa akin si Daddy. Cool Dad! Habang nagdi-dinner kami, ipinasok ko na ang agenda ko: si Riz. Speechless si Daddy. Hindi niya nasabing ngayon lang ako magkakasyota. Ang sabi lang niya, "Simple lang. Ganito..." Binigyan niya ako ng mga tips, kung paano malalamang may gusto ang isang babae sa lalaki. Pinayuhan din niya ako, kung paano mapapaamo si Riz at kung paano maaagaw sa iba ang natitipuan. Ilibs na talaga ako kay Dad! Sana lang ay magawa kong lahat ang mga sinabi niya. Sana lang din, hindi ako dalain ng katorpehan. Kapag nangyari iyon, malamang pagpapari talaga ang bagay sa akin. Proud akong masabihan ng "Like Father, Like Son". Magiging proud kaya si Daddy, kapag nagpari ako? Unli Naisipan kong mag-load sa cellphone ko. Nag-unlitext ako. Trip ko kasing makipag-text ngayong araw. Nag-GM ako. Sabi ko: ''Guys, musta? Samahan niyo naman akong mag-enroll bukas. Tinatamad ako ngayon. Kita-kita tayo sa school. Mga 8AM. Nag-reply ang ilan. Ok raw. Pasalubong naman ang sagot ng iba. Ang karamihan, hindi makakapunta kasi may gagawin. Naka-enroll na rin kasi sila. Pero, ang pinaka-best friend kong si Gio ang nakipagkulitan sa text. Unli rin daw siya. Naikuwento ko tuloy sa kanya ang mga nangyari sa bakasyon ko sa Aklan, pati si Dindee. Boto raw siya kay Dindee. Maganda raw. Mayaman pa. Hindi ko naman tinitingnan ang yaman ng isang tao. Mas gusto ko ang babae, kapag siya ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na ipagtapat sa best friend ko ang tungkol sa pagtingin ko kay Riz. Tinawanan ako ni Gio. Minura pa ako. Dati-rati raw, dinededma ko, ngayon patay na patay ako. Anyare?, dagdag pa niya. Hindi naman ako nahihiya sa pagtatapat ko. Alam ko naman ang karakas ni Gio. Hindi niya ako ilalaglag. Sabi pa nga niya, tutulungan niya raw ako, kung talagang si Riz ang gusto ko. Sulit naman ang unlimited text ko. At least, nakapagplano na kami ni Gio ng mga gagawin, sa unang araw ng pasukan at ng mga hakbangin para pansinin ako ni Riz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD