First Day of School

234 Words
Nagkuwentuhan kami ni Daddy pagkatapos naming mag-dinner. Kinumusta niya ang first day of school ko. Kinuwento ko ang tungkol sa pangalan ko. Tumawa rin siya, pero sabi niya na 'wag akong mahihiya sa pangalan at apelyido ko dahil pogi naman ako. NAKS! Buti na lang sinabi niya 'yun. Nakabawi siya... Sinabi ko na rin ang tungkol kay Riz. Hindi na ako nahiya. Ang payo sa akin ng Daddy ko ay ipakita ko raw sa kanya na karapat-dapat akong piliin. Ibalik ko raw ang sigasig ko sa pag-aaral. Karamihan daw kasi sa mga babae ay turn on sa lalaking matalino. Tama! Dati naman akong second honors. Si Riz ang madalas na first honors. At nang nagpasaway ako, ang third honors na ang naging second. Ngayon nga ay inspired akong mag-aral nang mabuti. Kukunin ko ang puwesto ni Riz. Kung ayaw niya akong pansinin sa mga pagpapa-cute ko sa kanya, sigurado akong papansinin niya ako kapag nagsimula na ang discussion. NICE idea, Dad! Alam kong kakayanin ko. Konting pagseseryoso lang. Tapos, iwas na sa mga makukulit na kaibigan. Sasali na rin ako sa mga curricular at extra curricular activities. Tama si Ma'am Elenita Reyes, ang adviser ko nung third year. Kulang daw ako sa pagseseryoso at pagiging aktibo sa klase at mga activities. Kailangan ko raw ang mga 'yun para umangat uli ako. I'll take that as a challenge. Salamat sa kanya. Salamat din kay Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD