Letter J - Puzzle Game #3

917 Words
Letter J - Puzzle Game #3 Aira Saka ko lang napagtanto ang lahat, isang malaking pagkakamali ang aking ginawa dahilan upang makitilan sila ng buhay. Hindi dapat nangyayari 'to, kailangan agad naming malaman kung paano matigil ang sumpa bago pa umakyat ang letra. Letrang kikitil sa buhay ko. "Kate, pumunta muna tayo sa library." wika ko na para bang hindi mapakali. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. "Ano? Naroon naman sina Sean, bakit pa tayo pupunta do'n?" tanong nito sa akin, saka ko lang napagtanto na hindi ko pa pala nasasabi sa kanya. "They're dead, at kinuha din ng pesteng killer na 'yon 'yung libro!" anunsiyo ko rito at halos hindi siya makapaniwala. "P-pero ano pang gagawin natin doon kung wala na doon 'yong libro. Ituloy na lang natin 'to, kundi masasayang lang ang mga pinaggagawa natin." sagot naman nito sa akin kaya bigla akong napaisip. Alam ko 'yung puntong tinutukoy niya. Pero hindi niya ba naisip na maaaring isa lang itong patibong? Isang kasinungalingan. Aargh! Napasabunot na lamang ako dahil sa sobrang pagkalito. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinawagan ko ang mga guards na bantayan ang library sakaling nasa loob pa ang salarin. Pero baka wala rin silang magawa oras na makita ang makinang na kuwelyo nito. "Fine!" napasigaw na lamang ako dahil sa pagkalito, "Then we need to proceed," Pinigilan niya naman ako sa pamamagitan ng pagkuha ng aking palad at inilgay niya doon 'yung final puzzle na para bang sinasabi niya sa akin na hindi pa namin nasasagutan 'yung riddle na nakalagay doon. Napa-facepalm nalang ako, at marahang umupo doon sa malapit na swivel chair. Ibinuklat ko ulit ang clue pad at muling binasa't inintindi. Puzzle #5 Blooms to cline, Full of vines, Where am I? If bloom pertaining to it's literal meaning, which is namumukadkad. Ibig sabihin it signifies something flower. At kung 'yung lugar na 'yon ay sinasabing full of vines, o kaya nama'y may mahahabang stems. Then it signifies trees. If you combined the flowers and the trees in the same place. Then that's it! "Tara sa garden!" - Nasa garden na kami habang hinahanap namin kung saan naroroon 'yung salarin. Lumipas na ang ilang minuto pero 'di pa rin namin natutunton kung nasaan siya hanggang saka lang namin napansin na may papel pala na nakadikit inuupuan naming bench.  Final Puzzle Get your answer into the wood, And use your wisdom and your wit, To find me, you should click. Napaupo na lang ako sa bench para doon mag-isip. Hindi ba siya nauubusan ng mga riddles?! Tanong ko sa hangin dahil pagod na pagod na talaga ako. Saang wood? Tanong ko sa utak ko habang pinagmamasdan ang clue. 'Tsaka ano 'yung pipindutin ko? Sinubukan kong i-analyze ang clue dahil mukhang iyon ang gusto niyang ipagawa sa akin. Use your wisdom and your wit. 'Yung get your answer into the wood, saka 'yung to find me, you should click ay tingin ko'y magakarugtong ito. Which is once na nakita mo 'yung tinutukoy niyang wood ay pipindutin daw dapat ito para makita ko siya, o 'yung salarin. Since wala namang kung-anong tabla dito ay tingin ko 'yung puno 'yung tinutukoy niya. Napatingin agad ako sa aking harap dahil may matandang puno dito, mabilis ko naman itong nilapitan at napansin kong sumunod sa akin si Kate. Nang lapitan ito may nakita akong maliit na buton dito. Bigla na lamang rumehistro sa utak ko 'yung sunod na linya. To find me, you should click. "Ito na 'yon," usal ko. "Ano 'yan?" tanong naman ni Kate kaya iniwanan ko na lamang siya ng isang ngiti. "Just watch," maingat kong pinindot 'yung wood button at namangha na lamang kaming dalawa nang biglang may nag-flash na parang TV sa harap namin kasabay ang pagkumpirma ko na isa talagang Sui Generis student ang salarin dahil sa angking talino niya sa paggawa at pag-master plan nitong lahat. Nag-flash bigla sa screen ang isang naka-jacket at nakaputing maskara. May kung anong nakalagay rin sa bahagya ng kanyang leeg na isang device para baguhin ang timbre at quality ng boses. Madaya siya, ang inaasahan ko pa nama'y personal ang pagkikita namin at walang kung anong takip sa mukha. Nadaya na naman kami. "Hahaha. Magaling, magaling," pambubuska pa nito sa aming dalawa ni Kate. "Cheater," ani Kate, habang nakatingin doon sa screen. Ngayon ko lang napansin na may naka-install palang camera sa bandang itaas ng screen. "MORON!" balik-asar naman no'ng nasa screen. Napatigil ako, an idea struck in my mind. Kate Nag-iinit na ang ulo ko dahil sa mga panlalait at kung anu-ano pang pinagsasabi ng mamatay-tao na 'to. Nakumpirma ko ring siya 'yung nakita ko sa corridor at isa siya sa tatlong nakita ko no'ng panahong nakisabay sa akin si Spike. Nakaramdam din ako ng panghihinayang dahil inubos lang namin ni Aira ang panahon at lakas namin para sa isang walang kwentang bagay. Nakamaskara na nga siya, iniba niya pa ang kanyang boses para 'di namin siya makilala. Dapat pala sinunod ko si Aira, dapat pala dumiretso na lang kami sa library. Baka sakaling nandoon pa ang libro at kahit papaano'y may napala kami. "Hahaha!" isang nakakatakot na halakhak ang pinakawalan niya. "Heto ba ang inaalala mo?" Nakita kong may nilabas siya na kung ano. Nagitla na lamang ako ng makitang hawak niya ang dalawang libro. Ang ika-una at ikalawa. Nasa kanya lahat?! Titingnan ko sana si Aira kung ano ba ang ekspresiyon niya. Ngunit 'di ko siya makita, inilibot ko na ang aking paningin ngunit wala talaga siya. Nakaramdam ako ng pangamba dahil ako lang mag-isa dito sa garden. "Let me think, naiihi ka na sa takot--" hindi natuloy ng salarin ang kanyang sasabihin ng biglang may sumigaw doon sa screen. Mabilis ko nalang nakilala kung kaninong boses iyon, kay Aira. "You! Bullshit!!!" sigaw ni Aira ngunit mabilis na umeskapo ang salarin at wala na akong natanaw pa na kung ano sa screen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD