Habang tinatahak ko ang pa labas ng kulungan nanginginig ang mga binti ko. Sinundan ko ang pulis sa kanyang pagliko. Ang sabi kasi niya na may bumisita na naman sa akin. Hindi niya sinabi ang pangalan, kaya kinakabahan ako baka si Nanay Esme ang bumisita sa akin at nalaman niya ang nangyari sa akin. Natatakot ako na baka pagalitan niya ako sa nangyari sa akin. Hindi man ako sigurado kung sino ang bumisita sa akin. Kinakabahan pa rin ako ng todo ngayon. Limang araw na ako rito sa presinto nakakulong. Tatlong araw na rin mula noong bumisita sa akin si Florencio upang sabihin na ilabas niya ako rito. Pero tatlong araw na, wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Wala pa rin akong balita kung makakalabas ba talaga ako rito gayong malakas ang kapit ni Rebecca. Despite of all the negative

