Chapter 17: Girlfriend

2608 Words

Bitbit ang malaking bag ni Deon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta na lang akong pumasok sa kotse niya nang sinabi niyang samahan ko siya at bitbitin ko ang kanyang dalang back pack. May suitcase pa kaming dala-dala, siya na ang nagdala ng suitcase dahil sobrang bigat nito. Habang ako naman ang bag na akala ko magaan lang. Pakiramdam ko parang mga bato ang laman sa bigat nito. Nang mailagay ko sa likod ng kotse niya ang bag agaran niya akong pinagbuksan ng kotse na ikagulat ko. "Faster... we will be late," sabi niya nang nakatunganga lang ako sa kanya. Pumasok ako sa loob ng walang reaksyon. Pinaandar niya ang kotse. Hindi ko alam kung ano ang mukha ng lugar na gawing picturial nila. Labis na lang ang kaba ko sa pagsama kay Deon gayong wala akong alam kung ano ang gagawin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD