Nagising ako na may mabigat na pakiramdam. Para akong lalagnatin, ang bigat ng kalooban ko. Uhaw na uhaw rin. Isang puting kisame ang namataan ko nang maidilat ko ang mga mata. Malabo pa ang paningin ko sa paligid, ramdam kong maraming mga mata ang tumingin sa akin. "She's awake kuya!" boses iyon ni Alaster. "Finally!" someone shouted. Tiningnan ko ang paligid. Ang una kong nakita si Jeho na may pag-alala sa akin tapos ang katabi niya si Renzo, tapos si Harris, Rohan Alaster. Lahat sila sa akin ang tingin. "How are you, Elizabeth?" biglaang litaw ni Deon habang hinaplos ang buhok ko. Nasa may uluhan ko siya nakapuwesto. Dobleng pag-alala ang naramdaman niya. Hindi siya mapagalay. Kumunot ang aking noo. Inaalala ko ang huling nangyari. Napaiyak ako nang mapagtanto kong nagdurugo pala

