"Nagkaroon lang ng maliit na bubog sa kanya paa sir Moonzarte, wala na kayong dapat na ikabahala. Tinanggal na namin ito at tumigil na rin ang pagdudurugo niya," sabi ng doctor pagkatapos lagyan ng gamot at bandages ang paa ko. "Malaki ba ang sugat niya?" seryosong tanong nito. Nasa tabi ko siya. Nakaupo sa iisang upuan habang nasa single bed naman ako. Kanina pa siya hindi mapakali habang nilagyan ng doctor ng gamot ang sugat ko. Mabuti na lang napakalma siya ng doctor na magiging okay lang ako, dahil iyong nurse na assistant ng doctor kanina pa hindi makapag-focus sa ginagawa dahil nakatingin ito sa kanya. Namumula pa at mukhang nahihiya sa presensiya ni Deon dahil nakatingin si Deon sa ginagawa nila na paglilinis ng sugat ko. Maingat tuloy ang mga nurse at tensyonado. Mabuti na la