Habang kumakain kami sa iisang table hindi ako mapakali. Ramdam kong panay titig si Deon sa akin. Hindi ko naman siya binabalingan dahil alam kong nagmamasid lang din sa akin si Travis. Bawat galaw ko kabisado niya kaya wala akong magawa kundi maging robot sa mga oras na kasama ko silang tatlo sa lamesa. This is the most awkward thing moment for me. "Uh... What's happening here?" tanong ni Dianne nang mapansin niyang wala sa mood ang dalawa. "Nawawalan na ako ng gana. Let's go, Elizabeth! " Hinawakan ni Travis ang braso ko at pilit pinapatayo. Kunot noo naman akong sumunod sa kanya. Ngunit mabilid na hinawakan din ni Deon ang kabilang braso ko. "You'll stay..." sabi niya sa akin habang umiigting ang panga. "Let her finish her food," mariing baling ni Deon kay Travis. Natuod na

