12

946 Words
“SALAMAT,” mahinang sabi ni Clarissa kay Lester. Kulang ang salitang iyon para maiparating dito ang pasasalamat niya. Nang mga sandaling iyon ay nakasakay na sila sa kotse nito at nasa daan na pauwi. Pansamantalang inalis nito ang atensiyon sa sa daan at lumingon sa kanya. “Wala iyon.” Hindi iyon simpleng bagay lang para sa kanya. “Paano mo natunton ang nanay ko?” “Private investigator.” Gumastos ng ganoon kalaki si Lester para lang matunton ang kinaroroonan ng kanyang ina? Mahirap namang paniwalaan niyon. “Bakit?” Gaano ba ako kahalaga sa ‘yo? Hindi ito sumagot na tila ba tinitimbang ang sasabihin. “Gusto lang kitang makitang masaya. It gladdens me kapag nakikita kitang ngumingiti.” Kapagkuwan ay sinulyapan siya nito, saka muling nag-iwas ng tingin. “Isa pa, gusto kong makita kang masaya bago man lang ako umalis.” “Aalis ka?” tanong niya na hindi naiwasang mapapiyok. “Saan ka pupunta?” “America,” matipid na sagot nito. Para siyang nabingi sa narinig. Isang tao lang ang pupuntahan nito- si Jillian. Tumingin siya sa labas ng bintana para maitago ang sakit na bumalatay sa kanyang mga mata. ito pala ang kapalit ng katuwaang hatod nito sa kanya kani-kanina lang. “Bibisitahin mo si Jillian?” tanong niya na sa labas pa rin nakatingin dahil hindi niya mapigilan ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. “Oo.” Parang piniga ang puso niya sa selos. Tila naging mahirap sa kanya ang paghinga. Ang luhang hindi niya napagtagumpayang itago ay kusang tumulo. “Clarissa,” tawag nito sa kanya. Pasimple niyang pinahid ang mainit na likidong namalisbis sa kanyang pisngi bago humarap dito. Pinilit niyang ngumiti. “Ikumusta mo na lang ako sa kanya.” Iyon na lang ang tanging nasabi niya. Lumikot ang kanyang mga mata nang matuklasang nakatitig ito sa mga mata niya. Hindi na niya napansin na huminto nap ala sila sa tapat ng kanilang bahay. Akmang hahaplusin nito ang kanyang pisngi ngunit hindi nito itinuloy iyon. Bagkus ay nag-iwas ito ng tingin, pagkatapos ay sunud-sunod na nagbuga ito ng hangin. “It’s getting late. Pumasok ka na,” sabay taboy nito sa kanya na sa labas ng bintana pa rin nakatingin. Tahimik siyang bumaba at walang lingon-likod na tumuloy sa loob. KANINA pa nakapasok sa loob si Clarissa pero nanatili si lester na nakatayo sa labas ng bahay ng mga ito habang nakatanaw sa gawi ng silid nito. Sa susunod na araw ay aalis siya patungo sa Amerika. May mga bagay lamang na nais niyang patunayan sa sarili subalit ngayon pa lang ay tila namimigat na ang kanyang mga paa. Ayaw niyang ituloy ang binabalak dahil sa isang taong mami-miss niya- si Clarissa. For inexplainable reason ay ayaw niyang mawalay rito. May malakas na puwersang humihigop sa kanya palapit dito. Sa isip ay pilit niyang inisa-isa ang mga posibleng dahilan. Pero hindi niya maipaliwanag kung ano ang mga iyon at kung kailan siya nagsimulang makaramdam ng ganoon. Batid niya na hindi lang simpleng pagkaaliw ang nararamdaman niya para dito. It was beyond amusement. The girl who he thought was nothing but a speck in the horizon had suddenly invaded his heart. Naalala niya ang tanong nito na bakit niya ito gustong tulungan. Dahil espesyal ka sa puso ko. Natutukso na siyang isagot iyon. Oo, inaamin niya, he was falling for Clarissa. May mga gabing hindi pinatatahimik ni Clarissa ang diwa niya. Laman ito ng mga panaginip at pantasya niya. Sa isip ay ilang beses na niya itong nakaniig at maraming beses na niyang naangkin ang katawan nito. Kapag hindi sinasadyang nasasaling nito ni dulo ng daliri niya ay kaagad na nagri-react ang kanyang katawan. He immediately wanted to take her in hi arms. Sunud-sunod na buga ng hangin ang ginawa niya. He couldn’t be like this forever. Ah, maybe, nalilito lang siya. marahil dahil si Clarissa ang malapit ay ito ang napagbalingan niya ng pansin. Siguro, talagang kailangan na niyang muling makita ang kasintahan para mabalik sa katinuan ang utak niya. “DAD, do you have a minute?” Mula sa pagkakatunghay ng daddy ni Clarissa sa binabasang files sa laptop ay nag-angat ito ng ulo at tiningnan siya. “Clarissa, what brought you here? Come here, anak.” Niyaya niay itong lumabas at sa isang malapit na restaurany niya ito dinala. “What’s the urgency, anak? It’s a date, right?” Ngiti lang ang itinugon niya rito. Kung saan-saan muna dumako ang masayang usapan nila bago siya nagdesisyong ibigay ang sulat dito. “Para saan ito?” nagtatakang tanong nito na sa sobre nakatutok ang pansin partikular na sa nakasulat nitong pangalan. “Basahin n’yo po, Dad,” sabi niya. Nang simulant nitong basahin ang laman ng sulat ay mataman lang siyang nakatingin dito at pinanood niya ang pabago-bagong emosyon at reaksiyon nito. “I never knew she had leukemia,” maluha-luhang sabi nito pagkatapos basahin ang sulat. “If I only knew.” Ginagap niya ang palad nito. “It’s okay, Dad. Siguro, mas pinili lang talaga ni Nanay na huwag tayong pahirapan oras na lumala na ang karamdaman niya. “And that makes your mother even more admirable.” “Dad, kahit ba kaunti ay minahal n’yo rin si Nanay?” “Sa maniwala ka man o hindi, minahal ko ang iyong ina. Sa malimit naming pagkikita ay natutuhan ko siyang mahalin. Kagaya mo, mabait ang nanay mo, mahilig magluto, at napakalawak ng pang-unawa. More than the physical appearance, ang kabutihan ng loob ng isang babae ang nagpapalusaw sa puso ng isang lalaki. Yes, minahal ko rin ang nanay mo.” Labis niyang ikinatuwa ang narinig. Sa bugso ng damdamin ay napatayo siya at mahigpit na niyakap ang ama. “Thank you, Daddy. Thank you for loving my mother.” Sa pakiwari niya ay buo na ang pagkatao niya. Buong-buo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD