4

1339 Words
  Happy 14th birthday, Jillian. Iyon ang nakita niyang nakasulat sa banner na nakasabit sa harap ng pinagdarausan ng party. Namangha siya nang ilibot niya ang paningin sa buong paligid. Ang lahat ng mga naroroon ay pawang nakasuot ng magagarang damit. Nakangiti ang mga ito habang nakikipag-usap sa isa’t-isa. Nagpatuloy siya sa paghakbang. Naalala niya ang mga kwento ng kanyang ina bago siya matulog. Ang nakikita niya ng mga sandaling iyon ay ang fairy tale na laging nababanggit ng ina. Sa gitna ng karamihan ay pilit niyang hinanap ang may kaarawan- ang kanyang kapatid. Ibibigay niya rito ang nakayanan niyang regalo- ang beaded necklace na siya mismo ang gumawa. Nakangiti siya habang tinitingnan ang nakabalot na regalo. ‘Sana matuwa si Jillian ‘pag nakita niya ‘to,' naisip niya. “Oh, my God! Look who’s here,” sabi ng isa sa mga panauhing babae. Na-curious siyang malaman kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito kaya pumihit siya ng direksyon kung saan nakatingin ang mga ito. Isang gwapo at matangkad na binatilyo ang naglalakad palapit sa karamihan. Nakasuot ito ng magarang damit. Bitbit nito sa isang kamay ang isang bungkos ng rosas habang sa isa naman ay isang kahon ng regalo. Nakangiti ito habang papalapit sa kinaroroonan ni Jillian. Para sa kanya, iyon na ang pinakamagandang ngiting nakita niya at ang binatilyong kararating lamang pinakagwapong lalaking nasilayan niya. Hindi niya namalayan na napasunod na siya sa mabango at gwapong binatilyo. Parang may humihila sa kanya na sundan ito. Hindi niya magawang ihiwalay ang mga titig dito. “Happy birthday!” bati nito, sabay halik sa pisngi ni Jillian. “I’m glad you came,” sagot ng kapatid niya na hindi maitago ang pagkinang ng mga mata. “Why don’t you dance?” suhestiyon ng isa sa mga kaibigan ni Jillian. Ilang sandali lang ay namatay ang ilaw at tanging sina Jillian at ang lalaki na lamang ang naiilawan ng spotlight. Kasunod niyon ay ang pagsayaw ng mga ito na para bang si Jillian ang prnsesa at ang binata ang Prince Charming. Sa batang isip niya ay nangarap siya na sana, siya ang kasayaw nito. Ngpalakpakan ang karamihan sa mga bisita nang matapos ang tugtog. “Bagay talaga kayong dalawa,” sabi ng isang bisita. “Lester, ligawan mo na kasi si Jillian,” sabi naman ng isa. “Lester” pala ang pangalan ng gwapong lalaki. Sasagot sana ito ngunit napako ang tingin nito sa kanya. “Who is she, Jillian?” tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ang lahat ng atensyon ng mga naroroon ay sa kanya naman napako. Ang ngiti sa mukha ng kanyang madrasta ay kaagad napalitan ng disgusto. Kabilin-bilinan nito sa kanya bago magsimula ang party na huwag siyang lalabas ng silid ngunit sinuway niya iyon. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong nito sa mahinang boses nang makalapit sa kanya. Ngumiti ito ng pilit ngunit halatang galit ito. “Bumalik ka sa loob.” “Bridgette, who is that girl?” tanong ng isang kakwentuhan nito kanina na lumapit sa kanila at tinitigan siya nang mabuti. “Oh, no! is she the one?” exaggerated na sabi ng isa na itinakip pa sa bibig ang isang kamay. “Pumasok ka na.” Hindi na nito naitago ang galit sa mukha at tinig nito, saka siya hinila papunta sa lugar na walang masyadong tao. “I said, bawal kang lumbas. Ang tigas talaga ng ulo mo!” bulyaw nito habang dinuduro siya. Ang tingin niya ay tila ito isang halimaw na sa ilang sandali lang ay kakainin siya nang buhay. “Yaya, huwag na huwag n’yong palalabasin ang batang ‘yan, kung hindi, malilintikan kayo sa akin,” galit na baling nito sa katulong pagkatapos siyang bitiwan nang makarating sila sa kusina. Napasiksik siya sa matandang si Nana Belen. Nang mawala ang madrasta ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa matanda na aakyat na lang sa itaas. Nakontento siyang umupo at manood na lamang ng mga kaganapan sa ibaba mula sa veranda. Napakasaya ng buhay ni Jillian. Hindi katulad niya na nangungulila sa ina. Mas tumindi ang kanyang pag-iyak nang maalala ang kanyang ina. “Nay,” mahinang palahaw niya. “Bakit mo ba ako iniwan dito?” “Umiiyak ka?” Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Napamulagat siya nang makitang si Lester ang nakatayo sa lanyang likuran. Pinahid niya ang luha at humarap dito. “bakit ka nandito?” natatakot na tanong niya dahil baka magalit na naman si Tita Bridgette. “Nakita kita mula sa ibaba,” sagot nito na lumapit sa kanya at umupo sa katabi niyang bangko. “Here.” Iniabot nito sa kanya ang isang puting panyo. “Kunin mo.” Nang hindi siya tuminag ay ito na ang kusang nagpunas ng mga luha niya. “Huwag ka nang umiyak,” alo pa nito pagkatapos. “O, bakit ka tingin nang tingin sa akin? Ako si Lester, ikaw, sino ka?” “Clarissa,” nahihiya niyang sagot. “’Clarissa’, ibig sabihin, clear, bright, and famous.” Napamaang siya. “Yan ang ibig sabihin ng pangalan mo,” paliwanag nito. “Talaga?” “Oo, gaya ng star na ‘yan.” Nasundan niya ng tingin ang itinuro nitong bituin sa langit. “Kapag umiiyak ka, mawawala ang kinang mo. Kaya dapat ngumiti ka na.” Napangiti siya. “Ilang taon ka na?” tanong nito pagkatapos. “Magtu-twelve na po.” “Pwede nang hindi ka mag-‘po’ sa ‘kin.” “Bakit, ilang taon ka na ba?” inosenteng tanong niya. “I’ll be seventeen next month.” Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay biglang naging magaan ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam kasi niya ay napakabait ni Lester. “Okay, I’d better go, ha. Huwag ka nang iiyak.” But that was long ago. Kung anumang pagkakaibigang nabuo sa pagitan nila noon ay siguradong kinalimutan na nito- subalit hindi siya. Sa murang isip niya ay natutong tumibok ang kanyang puso. Lumikha siya ng sariling fairy tale kung saan silang dalawa ni Lester ang pangunahing tauhan. But just like any other fairy tale, there was always a villain at iyon ay sina Tita Bridgette at Jillian. Nang mapansin noon ng kanyang Tita Bridgette na masyadong malapit si Lester sa kanya ay gumawa ito ng mga paraang maglalayo sa kanilang dalawa. Kapag may mga gathering sa bahay nila ay hindi siya nito pinadadalo. Inilipat din siya nito ng paaralan. “You shouldn’t get close to her. She is not a good influence,” minsan ay narinig niyang kumbinse ni Tita Bridgette kay Lester maging sa mga magulang ng huli. Then in a sudden turn of events, everything that her Tita Bridgette had planned worked out exactly the way she wanted it. Ang mga kamalian niya ay pinalalaki nito. Ang masaklap pa, ang lahat ng iyon ay tila ba sinadya ng kapalaran na masaksihan ni Lester. Gaya na lang noong nasa first year high school na siya at si Jillian naman ay nasa third year high school na. Hindi niya naiwasang mapikon sa mga parunggit ni Jillian. Pinatulan niya ito at nauwi sa sabunutan ang lahat. At dahil di-hamak na mas malakas siya kahit pa mas malaki si Jillian ay napangibabawan niya ito. Iyon ang tagpong naabutan ni Lester. “Lester, sinaktan ako ni Clarissa kahit wala naman akong ginawa,” sa pagitan ng paghagulgol ay sumbong ni Jillian kay Lester. Pinalabas nito na siya ang nagsimula ng gulo. Nagtagumpay si Jillian at napaniwala nito ang noon ay binata nang si Lester. Unti-unting lumayo ang loob ni Lester sa kanya. Naging sympathetic ito kay Jillian. Sa lahat ng pagkakataon ay dinamayan at naging tagapagtanggol ito ni Jillian. She was completely left out kaya nakontento siyang mag-isa. Kusa siyang lumayo sa dalawa. Ngunit ang paghanga para kay Lester ay inalagaan niya sa puso hanggang sa nauwi iyon sa malalim na pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD