“Hey, you’re spacing out,” bati ni Jeric sa kanya. Tapos na ang meeting nila at hindi niya napansin na kanina pa siya nito tinititigan habang blanko siyang nakatingin sa monitor ng computer. Tumingin siya dito tapos ay inirapan. Itinuloy niya ang ginagawang email. Napakamot naman sa ulo ang binata. Umupo ito sa harap ng lamesa niya. Naroon silang dalawa sa private office niya katabi ng mismong opisina nito.
“I know I was rude there,” paliwanag nito. “And I’m so sorry about that,” tumayo ito at umikot sa pwesto niya. Iniharap siya nito ngunit pilit niyang iniiwasang mapatingin sa mga mata ng binata. “Di ka pa ba sanay sa akin? We’ve been together for three years,” at hinawakan nito ang kamay niya.
Tinignan niya ang binata at bumuntong hininga. “What do you need now? Don't give me that puppy look because you cannot charm me with that,” but she cannot stop herself from smiling when he pouted his lips.
“Ayan, ngumiti ka na! That’s all I need,” his smile widen showing his perfect set of teeth.
Her phone rings and she puts it on speaker.
“Mom, you wouldn’t believe it! I got the highest mark!” natutuwang balita ni Gwain sa kanya.
“Oh, that’s great Darling!” nakisali sya sa kasiyahan nito. "I believe that you can do it."
“And what do you want as a gift?” singit ni Jeric sa usapan nilang mag-ina.
“Tito Jeric you’re there! Thanks for the info that you shared with me,” bakas pa rin ang kasiyahan ng bata na nadagdagan ng marinig ang boses ni Ajerico sa kabilang linya. “Let me think…hmmm…aha!” tila may naisip itong isang magandang regalo. “A dinner with the whole family in the Caribbean. Wanna see Lolo and Lola.”
Napatingin si Lalaine sa binata. Maaari kasing tumanggi ito dahil sa daming kailangang puntahang kasiyahan. Isa pa, ang layo kaya ng Carribean from Italy!
“Sure. I’ll set with your mom this coming Saturday. We will be flying on Friday night,” Ajerico looks at her to confirm with the boy.
“Yes darling. We’ll be there. Now tell your Mommy Tita and help prepare the luggage. Ask her about the passport as well,” ilang bagay pa ang inihabilin niya dito bago tuluyan niyang pinutol ang usapan nila. Hinarap niya si Jeric na nakaupo na ngayon sa sofa.
“You’re spoiling the boy,” akusa niya dito. Tumayo siya at lumapit sa coffee maker.
“Of course not! He deserves it,” kinuha nito ang tasang iniabot niya. “Your son is not asking for any material things. Maliit na bagay lang, masaya na sya. At para sa akin, maliit na bagay lang ang pagpunta natin sa Carribean,” paliwanag nito habang humihigop ng kape.
Naupo naman si Lalaine pabalik sa swivel chair niya. Looking at the most handsome guy she had ever seen in her whole life….at mahal niya.
“Thank you for spending time with him. For making sure that you're there whenever he needs you,” nakangiti niyang pasasalamat dito.
“Don't mention it. That's nothing compared to the happiness that he’s giving to my parents. Mula ng dumating kayong mag-ina sa buhay namin, tinantanan na rin ako ng dalawang iyon sa pangungulit na mag-asawa na ako,” natatawang pailing-iling ito. “I’m still at the prime of my life and I’m enjoying those ladies around me,” at napahalakhak ito ng makitang umikot ang mata niya.
Ibinaba nito ang tasa ng kape at lumapit sa kanya. Niyuko siya nito at hinawakan ang baba kaya napatingin siya sa mga mata nito. “Women are around me. Can’t resist them, you know that. But you are more important to me,” and she saw that teasing smile on his lips. They are almost kissing since the distance of their faces are only a breath away.
“Know what Jeric?" Pinalis niya ang kamay nito na nakahawak sa mukha niya. " If I didn't know you I will surely believe your lies,” ngumiti siya bago ipinatong niya sa dibdib nito ang dalawang palad niya at marahang itinulak. Napaunat ng tayo ang binata habang inihaharap niya muli ang kanyang sarili sa computer. May isang sulat na nakakuha ng atensyon niya at napansin iyon ni Jeric.
“What is that?” tanong nito at tumayo sa likuran niya upang makibasa ng email na natanggap niya.
“We just received an invitation from the Dubai Government to have a meeting with the Emir! My God Jeric! I think this is another blessing for the company!” hindi niya maitago ang pananabik sa nabasa. Nilingon niya ang binata na nakangiti din ngunit nasa screen pa rin ng computer ang mga mata. Maigi niyang tinitigan ang mukha nito. Almond shaped blue eyes that change depends on his emotions…A pointed but slightly crooked nose that gave him a more manly look….A pinkish lips that seldom touched by cigar…A shoulder length soft wavy hair that made those girls go gaga over him.
He looks like the guy that I met that night......
She dismissed the idea. Imposible kasi. Sa pagkaka alam niya, he was busy studying at Harvard then. Hindi nga ito umuuwi ng Spain kung saan naka base ang mga magulang, sa Pilipinas pa kaya?
Naputol ang ginagawa niyang pagtitig dito ng walang sabi-sabing pinisil nito ang ilong niya. Animo'y bigla siyang natauhan sa ginawa nito.
“Don’t look at me like that again dahil kung hindi ay baka halikan kita,” nakangiting biro nito at muling tumuwid ng tayo. Lumakad na ito papunta sa pinto bago sya nilingon.
“You know what to do. Amend the schedule. A maximum of three days would be enough,” palabas na sana ito ng pinto ng marinig ang tawag niya.
“May I visit my old office in one of those days? I miss all of them,” alanganing tanong niya.
Tumango ito. “Suit yourself. Anyway, I want to meet Dave,” at kinidatan siya. Tumango naman siya.
“And one more thing…It's Katya's birthday today. What do you want to do?” si Katya ang isa sa mga socialite girlfriends ng binata.
He paused and looked intently at her. Tumaas ang kilay ni Lalaine dahil hindi agad ito naka-sagot. She knows that Katya is one of the most important girl sa mga girlfriends ng binatang amo. She satisfies him in every way.....
“Ok, check my Kennedy flat and do your magic,” a mischievous grin was seen on his face. Bakit nga ba hindi? Si Katya ang isa sa pinaka-maganda at sexy niyang girlfriend at hindi rin matatawaran ang galing nito sa kama. Of course, he wants to give the best for the top girl on his list.
Napailing si Lalaine. Alam na niya ang mangyayari mamaya. She ignored the arising jealousy. “A set?” asking if he wants to give a jewellery set to the celebrant.
“Nah….a diamond necklace will do. For sure di nya naman mapapansin un eh. She liked my shaft more than those things,” natatawang sabi nito.
Tumayo siya at inimis ang mga gamit. “Alam ko un. Anyway, I’m giving you fifteen minutes to sign all the documents that I need before we leave for our meeting with Mr. Chan,” paalala niya dito. “After that, I will go straight to your flat,” tumingin siya dito at naglakad papunta sa ajoining door dala ang mga papeles na pipirmahan ng binata. Napakamot ito ng ulo bago sumunod sa kanya. He thinks, Aine was pre-programmed by his parents before she joined his team. Lagi kasing kailangang nakasunod siya sa schedule nito.
~~//~~
“Harder Jeric…harder,” samo ni Katya sa binata na naka-pwesto sa likuran niya. Kinagat niya ang unan at doon impit na tumili. Alam kasi niya na nawawalan ng gana ang binata kapag maingay ang katalik. Napatunayan na niya iyon.
“I’m coming, Baby,” isang matinding ulos ang pinakawalan niya at mahigpit siyang napakapit sa baywang ng dalaga ng marating ang rurok. Nakita niya ang bakas ng kanyang mga daliri sa maputing balat nito. He withdrew and walks to the bathroom. Hindi na niya nilingon ang dalaga na alam niyang nakadapa pa rin.
Itinapat niya ang sarili sa dutsa ng tubig. Aine made sure na masisiyahan ang girlfriend sa inihanda nito. He smiled with a mere thought of her. She really knows what everybody wants….what he wants. Binilisan niya ang paliligo at ng lumabas, nakita niyang nakahiga pa rin sa kama ang kasintahan. Kinuha niya ang sariling damit na basta na lang niyang itinapon sa lapag kanina. Kinuha niya ang sa dalaga at inilapag sa kama. He took new set of clothes in his walk-in closet. Napabangon si Katya ng makita siyang nagbibihis.
“Hey, where are you going?” nagtatakang tanong nito sa kanya.
“I’ll drop you home,” sagot niya habang ibinubutones ang polo. Tumayo ang dalaga at walang paki-alam na naglakad palapit sa kanya na walang saplot. Niyakap siya nito mula sa likuran.
“It’s my birthday today…don't tell me that you want to end it soon? And I’m wondering why you’re not allowing me to stay over for the night. Not even once,” and she pouted her lips. Lalo itong gumaganda kapag ginagawa nito iyon. She knows when to use her charm, isip isip ng binata ngunit sa pagkakataon na iyon ay hindi iyon epektibo sa kanya.
Hinarap niya ito at inalis ang brasong naka-kapit sa kanya.
“You know that ever since. I’m not allowing anyone to sleep in my house. Isn’t it enough that I’m inviting you to come here?” kunot noong tanong niya dito. Hindi ito nakasagot. “So move your pretty ass now and I’ll drop you home. I really need to take a rest or else, my P.A. will definitely burn my ears with her nagging,” he used his most charming smile to her.
She shrugged her shoulder and started dressing up. Nilingon siya nito habang isinusuot ang undies.
“If I didn't know the level of your relationship with her, I will definitely get jealous because you're following whatever she is telling you. I want to kick her ass for that, ” kunot ang noo itong naka-tingin sa kanya.
He seated at his bean bag and took the sports magazine on top of the table. Naiiling siya sa sinabi nito.
“I doubt if you can do that to her. She might be small but she’s lethal. And one more thing, I owe everything to her. We’re great partners and I can lose others....like you but not her,” at sinulyapan niya ng makahulugan ang dalaga. Walang kibong ipinagpatuloy nito ang ginagawa.
~~//~~
“Hey, what are you doing here?” takang tanong ni Lalaine sa binata ng mapagbuksan niya ito ng pinto. It’s already past 12 midnight when she heard the doorbell. Nakasandal sa hamba ng pinto ang binata at naka-halukipkip ang mga braso. Hinigpitan niya ang pagkakatali ng roba at niluwagan ang bukas ng pinto upang makapasok ito. Tumuloy ang binata sa loob ng bahay na tanging lampshade lang ang bukas. Sumunod ito sa kusina ng sumenyas si Lalaine.
Binuhay niya ang ilaw at gumawa ng dalawang tasa ng kape. Iniabot niya iyon sa binata na tahimik na naka-upo sa counter.
“Wag mong sabihing inihatid mo pa si Katya sa bahay nya? Aba, sinayang mo na naman ang gabi!” natatawang biro niya dito.
“Actually, she doesn’t want to go,” tumingin siya sa dalagang hindi man lang nag-effort na magsuklay ng buhok. But she’s not aware how pretty she is. “But you know me, I don’t allow anyone to stay overnight,” and he sipped the most delicious coffee he ever tasted. Basta ang dalaga ang nagtimpla, ganoon ang dating sa kanya.
“I bet, one round lang un at nanlupaypay ka na agad,” sinegundahan niya ang pang-aasar dito. Natatawang naiiling ang binata sa kanya. Nobody in this world will tease him like that na di sya maaasar but Aine is an exception. “Kawawang babae,” iiling iling na inubos niya ang kape.
“Ewan ko ba, after one round, ayaw ko na agad kahit na anong pilit pa sa akin ng babae,”napakamot ang binata sa ulo. Malakas na halakhak ang pinakawalan ng dalawa ng magsalubong ang tingin.
“Mom,” narinig nilang tawag ni Gwain sa ina. Sinenyasan niya habang nakangiti ang binata na tumahimik.
“Darling, mommy is here at the kitchen,” sagot niya dito. Narinig nila ang mabibilis na hakbang nito. Gwain is on his pajama top when he appeared at the kitchen door.
“Oh, it's Tito Jeric!” tumakbo ito sabay yakap sa binata. Gumanti siya ng yakap at ginawaran ito ng halik sa ulo.
“Did we disturb your sleep?” nakangiting tanong niya sa bata. Iginiya niya itong umupo sa isang stool ng counter. Umiling ito at iniabot ang gatas na agad na tinimpla ng ina.
“I really want to have a glass of milk before I sleep. Anyway, Mommy, would you mind if Tito will sleep here?” biglang tanong nito matapos uminom ng gatas.
Nag-kibit balikat si Lalaine. “Ask him first if he wants to sleep over,” at sinulyapan ang binatang nakatitig sa anak.
“I really want to,” at nakangiting tumingin sa dalaga. “Than to drive this wee hour of the night.” Sa narinig ay halos maglulundag sa tuwa ang bata.
“Mom, since I only have a double bed and you have the queen size, may we take your room and you stay on mine. I really have to ask him lots of things,” ang ngiti ng bata ay abot hanggang tenga.
“Ok. I’ll leave the two of you here. Gwain, kindly clean the cups. Baka mapagalitan tayo ni Mama Sol mo kapag maabutan nyang makalat dito and then follow me,” tinapik niya sa balikat ang binata “Please turn off the lights here ok. Jeric, ikaw na ang bahala,” at tuluyan na niyang iniwan ang dalawa.
~~//~~
Lalaine woke up at the aroma of coffee. Napatingin siya sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. It’s almost eight in the morning. Iinot inot siyang tumayo at nakita niya sa study table ng anak ang isang tasa ng umuusok na kape. Napangiti siya at inabot ang roba at isinuot bago bumaba papuntang kusina bitbit ang tasa. Naabutan niya doon ang binatang si Jeric na nakasuot pa ng apron kasama ang anak niya.
“Dito pala natulog si Jeric kagabi,” nakangiting tanong sa kanya ng ate niya. Galing ito sa garden na sa tantiya niya ay nagdilig ng halaman dahil si Jeric ang nagluto ng agahan.
Tumango siya bilang kumpirmasyon. “Ang tanong eh kung nakatulog ba siya ng mabuti sa dami ng tanong ng anak ko sa kanya,” nakangiting tumalikod siya at nagtuloy sa salas.
“He’s fond of Gwain. Actually, he’s spoiling your son. Isang hiling lang ng anak mo eh sumasang-ayon agad,” nailing na sabi nito sa kanya. Sumunod ito sa pag-upo sa sofa. “Tulad na lang ngayon. Aalis tayo for Caribbean para lang makasama ang dalawang matanda dahil nakakuha siya ng mataas na marka sa exam. Napagsabihan ko nga ang anak mo eh.”
“Ganoon din ako kay Jeric. Mapipingot ko na nga yun eh,” kinuha niya ang phone at may idinial na number. “Ten, where are you guys?” tumayo siya at sumilip sa labas ng bintana. “Come on over. Ang daming niluto ni Jeric. Don’t say no. I insist. Ok, thanks. Bye,” at nakangiting binalingan ang kapatid. “Ten, Zeth and Rist will be here. Pakibuksan na lang ang pinto Ate and I’ll help those two in the kitchen,” pagkasabi ay naglakad na sya palapit sa dalawang nagkukulitan sa kusina.