Nefel Minulat ko ang mga mata ko nang maramdaman na nawala na ang piring sa mukha ko. Unti-unti, sabay sa mabagal at mainit na paghinga ni Akraim na tumatama sa kaliwa kong taenga. Agad na may namuong tubig sa mga mata ko dahil sa aking hindi inaasahang makikita. Napakaganda, Akraim, para ba talaga sa akin ito? "You deserve it..." may pagkaromantiko niyang sabi. Sa isang lugar na hindi ko alam kung saan ay may lawa. Lawa na bukod sa bangka sinasakyan namin ni Akraim ay may mga petal din ng pink roses na lumulutang. Ang mga nakatanim na light posts sa bawat hangganan ng lawa ay mas pinaliwanag ang lahat-lahat ng natatanaw ko. Ang banayad at may kalamigang hangin na umiihip sa likod namin ni Akraim ay napakasarap sa pakiramdam. Lalo na kung pinagsasaluhan namin ito ni Akraim nang magkayak

