Nefel Pagkasapit ng alas quatro ng hapon ay lumabas na ako sa apartment ko. May pupuntahan kasi kaming isang pastry shop ni Danica. Ang sabi niya, 4:30 p.m. ay dapat nandoon na kami. Hindi pa naman ako mahuhuli sapagkat may kalapitan lang naman ang lugar. Hindi nito mauubos ang thirty minutes kong laan sa byahe. Ano kayang pastry ang titikman namin ni Danica roon? Iniisip ko pa lang ang mga matatamis na pagkain ay na-ti-trigger na ang mga panlasa ko. Pagkalabas ko sa apartment ay timing namang may nakita akong isang paraang taxi. Agad ko itong pinarahan at makalipas ang ilang segundo huminto na ito sa harap ko. Pumasok ako sa loob at sinabi sa driver ang pupuntahan ko. Mga kinse minutos ang dumaan sa biyahe at sa wakas ay nasapit ko na ang destinasyon ko. Nasa isang malaking arcade pal

