MEDYO matagal din kaming hindi nagkita ni Kina kaya excited ako sa meet-up namin ngayong araw. Yung huling beses kasi na nagkita kami ay noong kinasal kami ni Debbie. Hindi ko na nga maalala kung ilang taon na ba 'yun. Bukod sa busy na ako sa business ko, nasa barko kasi si Kina dahil doon s'ya nagtatrabaho bilang bartender. Ang gara nga ng bff ko, nakakapag-around the world for free. Anyway, nagkataon na nakabakasyon s'ya kaya sinamantala na namin na mag-reunion. "Hi, Eli. Na-miss kita, bruha ka!" Natawa ako sa tawag n'ya sa 'kin tapos ay nagyakapan kami. Nandito kami ngayon sa isang Filipino restaurant along BGC. "I miss you, too, Kina. Ang ganda mo yata ngayon!" Inismira n'ya ako bago hinila ang upuan saka umupo. "Ngayon lang? Paano naman kanina, kahapon, nu'ng isang linggo, isang ta

