"ELI, magical ba 'yung feelings kapag nakita ko na 'yung tao na para sa 'kin?" Napatingin ako kay Kina matapos n'yang itanong ang bagay na 'yun. Pero saglit lang kasi abala ako sa pagtitimpla ng kape para sa 'ming dalawa. Nga pala, nandito s'ya ngayon sa pastry shop ko, bumisita bago s'ya sumampa sa barko para magbalik-trabaho. Ilang buwan din kaming hindi magkikita nito kaya sinasamantala na namin ang mga nalalabing araw n'ya sa lupa, eme. "Hmmm... here's your espresso. Also, isang slice ng cheesecake. At ito naman sa 'kin, flat white and croissant." Pagkalapag ko ng pagkain namin sa mesa ay agad na akong umupo sa tapat ni Kina. Natawa pa nga ako kasi ang seryoso ng ekspresyon ng kan'yang mukha na para bang naghihintay sa sagot ko sa tanong n'ya. Excited yern? "Hindi naman totoo 'yun.

