"LOLA, proud po ba kayo sa 'kin?" Napatingin sa 'kin si Lola na nang oras na 'yun ay abala sa paggagayat ng sayote na igigisa namin para maging ulam sa hapunan. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Syempre, oo ang sagot ko. Proud ako sa 'yo, Apo." Aniya dahilan para mapangiti ako. Pero umakto akong hindi kumbinsido. "Baka naman sinabi n'yo lang 'yan kasi ayaw n'yong ma-hurt ang feelings ko, ah?" Pang-aasar ko. "Eh, bakit kasi tinatanong mo pa ang bagay na 'yan?" "Wala lang po. Pero ang totoo, napa-isip ako. Kasi sa edad kong 'to, parang wala po akong puedeng ipagmalaki sa inyo para maging maging proud kayo sa 'kin. Di tulad nu'ng mga apo ng mga ka-tsismisan n'yo d'yan sa labas..." "Siraulo ka talaga." Natawa ako bago ipinagpatuloy ang sinasabi ko. "Wala pa akong masyadong napapatunayan par

