Kabanata 5

1080 Words
Kabanata 5 "ADOBONG manok o beef steak? Mas mura ang adobo pero mas gusto kong kumain ng beef steak ngayon," ani Skye sa sarili habang nakatingin sa hilera ng ulam sa university cafeteria. Mag-isa siya ngayon dahil may lakad si Glady-mae. Sina Gail at Airin naman ay busy sa library dahil gumagawa ng worksheets. Pabor naman sa kanyang mapag-isa ngayon dahil gusto niyang makapag-isip. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin siya maka-recover sa kinalabasan ng pag-uusap nila ni Cloud kahapon sa condo nito. Hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang kagagahang ginawa niya at kapag naaalala niya kung paano siya pinagtawanan ni Cloud ay talaga namang nag-iinit ang pisngi niya. Kasi naman, eh. Kasalanan ba niya kung very misleading si Cloud? Buwisit. Pero ano na ang gagawin niya ngayon? Nag-walk out siya kahapon nang hindi nagbibigay ng sagot kung pumapayag na ba siyang maging katulong nito. Iniisip kasi niya na baka makaapekto iyon sa pag-aaral niya. Graduating pa naman na siya ngayong school year. Ang isa pang iniisip niya ay baka mapariwara siya. Lalaki si Cloud at babae siya. Baka kung ano ang gawin nito sa kanya kapag silang dalawa lang sa condo nito. Ambisyosa. "Les, may iparirinig pala ako sa 'yo mamaya." Marahas na napalingon si Skye sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakita niyang nakatayo si Cloud hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Nanghahamon ang tingin nito sa kanya na para bang sinasabing, "Ano nang gagawin mo, Skye?" Argh! Agad niyang iniwas ang tingin dito at binalingan ang kasama nitong si Les. Nakita niya ang curiousity sa mukha ni Les habang nakatingin kay Cloud. At ang siraulong Cloud, nakangisi pa! Mukhang aaminin nga nito ang totoo kay Les! Shit. "Ano naman ang ipaparinig mo sa 'kin, Cloud?" narinig niyang tanong ni Les. "Ah, alam mo, kaibigan, tungkol 'to sa tunay na feelings—" Dali-daling inilabas ni Skye ang cellphone at itinapat iyon sa tainga. Nagkuwanri siyang may kausap. "This is for you, Airin," pikit-matang sabi niya sa sarili bago huminga nang malalim. "Pumapayag na ako. Pumapayag na akong maging ano mo. Basta keep your promise!" malakas na aniya sa kunwari'y kausap niya sa cellphone pero na kay Cloud naman ang kanyang atensiyon. Nang magtama ang tingin nila ni Cloud ay saka niya ito pinandilatan. Kaagad namang nakuha ng lalaki ang gusto niyang ipabatid dahil kaagad itong ngumisi saka siya tinanguan. "Joke lang, Les. Wala lang 'yon. False alarm," sabi ni Cloud dahilan nang paghinga niya nang malalim. "Siraulo ka talaga. Ewan ko sa 'yo. D'yan ka na nga. Pupunta ko pa sweetheart ko sa library." "Landi talaga." Iniwas na ni Skye ang tingin sa dalawang lalaki saka muling binalingan ang mga pagkain sa harapan. Parang bigla siyang nawalan ng ganang kumain dahil sa buwisit na Cloud Valeroso na 'yon. Parang nawalan ng appeal ang mga pagkain sa harapan niya dahil lang naisahan siya ni Cloud. "Peste talaga," nanggigigil na aniya. "Hindi ka lalabanan niyang mga pagkain, Skyeisha," wika ng isang tinig malapit sa kanyang tainga na dagling nagpanayo ng mga balahibo niya sa batok. Nilingon niya ang salarin at ang bumungad sa kanya ay ang nakangisi at guwapong mukha ni Cloud. Guwapo? Excuse me lang? Inirapan na lang ni Skye ang lalaki at hindi pinansin. Bahagya rin siyang lumayo rito dahil masyadong malapit ang katawan nito sa kanya. At ang mukha nito, parang isang maling galaw lang niya'y katatagpuin na ang mukha niya. "Ano'ng gusto mong kainin? Sayang, wala ako sa menu kaya hindi mo ako puwedeng tikman—" Agad niyang itinakip sa bibig ni Cloud ang isa niyang kamay. Nilingon niya ang paligid. Nakatingin na sa kanila ang ibang estudyante dito sa cafeteria. Tiyak na narinig ng mga ito ang sinabi ni Cloud. Panira talaga ang lalaking ito kahit kailan. "Pwede bang hinaan mo ang boses mo? Dinig na dinig na sa buong campus ang kayabangan mo!" angil niya sa lalaki habang takip-takip pa rin ang bibig nito. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Skye nang maramdaman ang p*****a nito sa palad niya. "Yuck! Kadiri ka, Cloud!" asik niya sa lalaki at inalis ang pagkakatakip sa bibig nito. Agad niyang ipinunas sa suot nitong polo shirt ang palad niya. "'Sus! If I know, kinikilig ka na, Skyeisha." Nakakaloko ang ngiting sumungaw sa mga labi ni Cloud habang nakatingin sa kanya. "Bakit naman ako kikiligin? Hindi kita type, 'no. Kadiri ka." "Alam ko naman na ang mga kagaya ni Charlie na hindi naliligo ang type mo," anito sa kanya. Nanlaki ang mga mata at napaawang ang mga labi ni Skye. Agad na nag-init ang ulo niya dahil sa panlalait na ginawa nito kay Charlie. "Ang kapal mo! Iyong bangong 'yon ni Charlie, hindi naliligo? Baka ikaw ang hindi naliligo," sikmat niya saka ginusutan ng ilong ang lalaki. Isang singhap ang kumawala sa mga labi ni Skye nang walang sabi-sabing hinapit siya ni Cloud papalapit sa katawan nito saka niyakap nang mahigpit. Halos mabaon na nga nang bongga ang mukha niya sa matipuno nitong dibdib. "O, hayan, amuyin mo ako. Mabango naman akong di hamak sa Charlinton na 'yon," sabi sa kanya. Hindi naman nakakibo si Skye dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay shocked pa rin siya. First time kasi na may lalaking nanyakap sa kanya. First time na may lalaking humawak sa kanya. "Hindi ka na nakakibo d'yan," anito sa kanya saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Hindi pa rin nakakibo si Skye. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Cloud. Alam niyang bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat na nararamdaman niya. "Huwag mong sabihing ngayon lang na may lalaking yumakap sa 'yo?" nakataas ang kilay na saad nito. Nang marahil ay mapansin ang pamumula ng mukha niya'y naisip na first time nga niya iyon. "Be proud dahil ako ang first hug mo. Gusto mo, pati first kiss na rin?" nakangising wika nito. Nawala ang pagkatulala ni Skye kasabay nang pag-iinit ng kanyang ulo. Hindi na siya nakapag-isip pa at muli ay isang suntok ang pinakawalan papunta kay Cloud. Mabilis lang talaga ang reflexes ng lalaki dahil nakailag ito. Pero syempre pa, nadaplisan niya ang mukha nito dahilan nang pagngisi niya. "Magbigti ka na, unggoy!" sigaw niya kay Cloud at ginawa na naman ang bagay na ginawa niya kagabi, nag-walk out siya at iniwan ang natulalang si Cloud sa cafeteria. She was earning the title of Walk Out Queen. - - Note: Sorry kung ngayon lang. Nagkaron yata ng problem sa internet namin kaya palaging Error sa pagpo-post. Hay. Please leave a comment and vote. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD