Joanna's P.O.V
Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog dahil nakarinig ako ng mahihinang mga hilik. Agad ko namang sinuri ang buong kwarto at tumambad sakin ang natutulog na JR sa sofa. Hindi naman ito maliit na sofa pero nahihirapan parin siyang humiga.
'Naisipan mo pa talaga akong sundan sa Pilipinas'
Sumilay ang ngiti sa aking labi habang hinahaplos ang mukha nita.
Kinuha ko ang extrang kumot at ibinalot sa kanya dahil para itong giniginaw.
Alas singko pa pala ng umaga.
Teka! Alas singko na at hindi ko pa tapos gawin ang mga projects ko.
Ang kalmang ako ay napalitan ng nagmamadaling Joanna. Pinuntahan ko kaagad ang study table at nakita ko kung gaano ka linis iyon.
Inuna kung buklatin ang mga projects ko dahil mas marami at mahirap iyon.
Laking gulat ko ng tumambad sakin ang mga papel na dapat ay gagawin ko pa lang. Napatingin naman ako sa note na nakalagay sa gilid.
'Don't stress out my wife'
Napailing nalang ako dahil ang sulat kamay na ito ay kay JR. Hindi kami pero kung magiging kami ipagpapasalamat ko iyon.
Sinunod ko namang buklatin ang mga notebooks ko para gawin ang assignments pero lahat ng iyon ay may mga sagot na at detailed pa.
'Advance ata talaga sila samin'
Inilagay ko na lang ang mga gamit ko sa bag at binalikan ang natutulog na JR.
Pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha habang tulog siya. Sigurado ako ma maiilang siya kapag sinabihan ko siya sa mga pinanggagawa ko ngayon sa kanya. Ayaw pa naman niya kapag may nakatingin sa kanya.
Malaki ang naitulong ni JR sa akin noong bumalik ako sa US dahil bukod sa lumipat ng agency ang mga dati kung kasamahan, wala ring naglakas ng loob na kausapin ako.
Tanging si JR ang lumapit sakin at kapag nagiging tahimik ako gumagawa siya ng paraan para maging madaldal ako.
Sa tatlong araw kong pananatili doon halos araw araw kaming magkasama. Sa mga photo shoot ko din palaging siya ang kinukuha kong partner at ganun din siya. Minsan nga naiisip ng iba na may namamagitan talaga sa amin pero ayoko munang umasa dahil nung huli akong umasa sakit lang ang naibigay nito sakin.
Tumigil ang pag-iisip ko dahil sa kamay na humahaplos sa mukha ko. Agad kong tinignan si JR na puno ng pagtataka.
"I can't read your mind." sumilay ang ngiti niya at ganun rin ako. "Don't be sad again Jo. I know you can face him." hinawakan nito ang kamay ko at pinisil iyon.
Tumango lang ako sa kanya at nilakihan ang espasyo naming dalawa para makaupo siya.
"I'm sorry I fell asleep here last night. I'm so tired doing your proj--" Niyakap ko nalang siya dahil sa sayang nararamdaman ko. Unti-unti naman itong gumaganti sakin ng yakap bago ako iniharap sa kanya.
"You need to be early today Jo. Go and take your bath sa labas nalang ako maghihintay." hinalikan niya ang pisngi ko bago tumayo at lumabas ng kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas niya agad kong ginawa ang dapat kung gawin. Suot ko ang uniform ng school at napagtanto ko na malaking timbang ang ibinawas ko kahit tatlong araw lang yun. Hindi naman siya panget tignan...sakto lang sa katawan na meron ako ngayon.
Naglagay din ako ng manipis na make up para kung may media ay hindi ako lusyang tignan.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si JR na may kausap sa phone niya pero ng makita ako ay agad naman niya itong ibinaba at lumapit sakin.
"You can eat your breakfast now. Sinabihan ko na ang tagaluto niyo na ipaghanda ka." ipinaghila pa niya ako ng upuan at sinimulan ko naman agad kumain.
Plano ko kasi ngayon na maagang pumasok para may oras pa akong magexplain sa teachers.
Hindi niya ugaling kumain ng breakfast kaya nauna na siya sa kotse. Ihahatid daw niya muna ako bago umuwi sa bahay nila para kumuha ng gamit dahil may project din daw siya dito sa Pilipinas.
"Are you going somewhere after your class?"
Napatingin ako dito dahil sa biglaang pagtatanong niya pero nakatuon lang ang atensyon niya sa daan.
"No.. I'll bake some pizza later. Why?"
Humarap ito sakin at tinignan ako na may humahangang mata. Nagiging favorite niya kasi ang pizza kapag ako ang gumawa.
Sana hindi ka maging katulad ng taong iyon.
"I'll fetch you after class. Just text or call me.. I'm just 5km away from your school."
Hinalikan niya muna ang pisngi ko bago ako pinababa sa kotse. Eksakto namang pagbaba ko ay ang pagbaba din ni Loraine sa kotse nila.
May halong tukso ang mga mata niya. Tinignan pa ako nito na tila tinatanya kung magtatanong ito sakin kaya inunahan ko na.
"He's just a friend Lor. Co-model ko sa US."
Tumango lang ito bago kami tuluyang pumasok sa school.
Wala akong takip sa mukha ngayon kaya may mga studyanteng gusto akong lapitan para magpa picture pero nauunahan ng hiya. Mabuti naman at hindi ako dinudumog. Pinatambay ko muna kasi sa bahay ang bodyguard tutal nandito naman sa Pilipinas si JR at may tiwala naman ang magulang ko sa kanya.
Pagkaupong pagkaupo ko nag-uunahan ang kaba sa aking dibdib. Naiisip ko palang na makakatabi ko ang taong binasura ako...sira na agad ang araw ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at si Angelie ang umupo sa tabi ko.
"Good morning Jo!"
Tinignan niya rin ang upuan at humarap sakin.
"Wala ang SSG officers ngayon... Nag-aasikaso sila sa darating na moving up natin kung yun ang ikinababahala mo."
Agad naman akong napailing sa kanya at mabuti nalang tumahimik na ito. Maluwag ang damdamin ko dahil sa nalaman ko. Hindi ko pala siya kailangang iwasan ngayon. Nakikisama ata sakin ang panahon ngayon.
'Fighting Jo! Ipakita mo sa kanila kung sino ka talaga!'
Matiwasay ang naging araw ko. Hindi parin maiiwasan na makarinig ako ng bulongan mula sa lower grades tungkol sa nangyari noong prom. Hindi ko na lang pinapansin yun dahil si Marinel at Angelie naman ang kumakausap sa kanila.
"Gosh napaka daming chismosa! Hindi nga nila alam ang tunay na nangyari pero kung makapanghusga napaka perpekto." parang sigaw na rin ang ginawa ni Angelie upang marinig ng taong nakapaligid sa amin pero agad din naman itong sinaway ni Loraine para hindi na makalikha pa ng away.
Papunta kami ngayon sa katapat na resto ng paaralan. Hindi siya malaking resto. Sakto lang ito para sa budget ng mga studyante.
Agad kaming pumasok at umupo sa pinareserved nilang pwesto. Regular customer sila dito at may koneksyon si Marinel sa may ari kaya madali lang sa kanya ang makakuha ng reservation.
"Ang dami ko sanang gustong itanong sayo Jo...kaso baka hindi mo magustuhan."
Tulad ko ay tahimik din silang nakatingin kay Denelyn. Madalang kasi itong magsalita kaya nakakapagtaka lang.
Ngumiti ako dito para ipahiwatig na ayos lang.
"Ano ba yun? Kung tungkol ito sa prom huwag kang mag-alala ayos lang yun.
" Nabuhayan naman ang loob niya at tinignan ako ng diretso.
Katakot ka girl ha!
"Totoo ba na wala na talaga ang pagkakaibigan niyo dahil sa pinsan mo?"
Kita ko rin ang mata ng iba na puno din ng kuryosidad.
"Wala namang kinalaman ang pinsan ko dito Den. Mahal na mahal lang talaga siya ni Andrew kaya nagawa niya yun."
Napailing nalang ang tatlo sa sinabi ko na para bang hindi sila sang-ayon sakin. Hindi naman ako pinalaki ng magulang ko at tinuruan na magtanim ng galit sa kapwa lalo na sa kapamilya kaya ayos na rin sakin ang nangyari.
"Galit ka ba kay Andrew, Jo?"
Lahat ng atensyon nila ay nakatutok sakin at kapag nagsinungaling ako mahahalata nila iyon.
" Sino ba naman ang hindi magagalit kung itinatakwil ka ng taong pinahahalagahan mo." Tumango naman sila at hindi na nagtanong pa.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ang magiging topic namin ay ang nangyari sa prom.
Umorder kami ng tig iisang slice cake para naman hindi maging boring ang usapan namin. Ang tig-iisang slice ng cake ay nauwi sa isang buong cake. Hindi naman ako pwedeng kumain ng marami dahil may iniingatan akong timbang na agad naman nilang naintindihan.
Napag-usapan namin ang mga nangyari sa akin sa US.. kung bakit daw hindi kumalat ang balita sakin dito sa Pilipinas. Sinabihan ko nalang sila na hindi ko gustong mawalan ako ng kalayaan dito sa Pilipinas ana agad naman nilang naintindihan.
"So sabado bukas...ano mall tayo?"nanghahamon ang mga mata ni Marinel samin pero agad akong tumanggi dahil may lakad ako.
"Huwag mong sabihin na tatambay kalang sa bahay niyo?"
Imbes na ako ang sumagot si Loraine ang sumagot para sakin na sinundan naman ng kantyaw.
"Boyfriend mo ba? Ipakilala mo naman kami." Ngumiti lang ako at kinuha ang cellphone ko para itext si JR sa lugar ng resto dahil dito narin ako maghihintay.
"Ikaw ha nag US kalang may boylet kana." Umiling ako at sinabihan na magkaibigan lang kami na agad namang sinagot ni Loraine.
"May magkaibigan ba na humahalik sa pisngi? Sa noo pwede pa pero sa pisngi...naku may something."
Nawala ang atensyon namin dahil biglang nagsalita si Angelie na nakakita daw siya ng anghel kaya napalingon na rin ako. Nakatalikod kasi ako sa entrance kaya hindi ko makita kung sino.
Pagkalingon ko si JR ang pumasok at sinuri ang loob ng resto at ng makita niya ako ay agad na lumapit sa pwesto namin.
"Huwag niyo akong ipahiya girls." bulong ni Angelie samin habang inaayos ang sarili.
Pagkalapit na pagkalapit nito samin ay agad inilahad ni Angelie ang kamay niya dito.
"Hi! I'm Angelie single and ready to mingle!"
Napatawa naman ito at tinanggap ang kamay niya
"I'm Jhon Rich but you can call me JR. and I'm sorry I'm not single anymore." tsaka ito bumaling sakin at humalik sa pisngi ko.
Kanina ayos lang sakin ang paghalik niya pero ngayon nahihiya nako.
Agad namang nanlaki ang mata nilang tatlo maliban kay Loraine na nakita na siya kanina.
"You mean boyfriend ka ni Joanna?"agad na tanong ni Angelie
"Soon Ms. soon."
Bumaling ulit siya sakin bago kinuha ang mga gamit ko. Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko at sinabi sa kanila na mauuna nako dahil magbbake pako ng pizza pero hindi naman sila naniwala sakin.
Pumasok kami sa kotse at bumyahe na para makapagbake nako at pagkatapos ay matutulog na.