Chapter 5

1550 Words
GINES P.OV "Gosh hindi ako maka get over kay Andrew" "Ang hot niya kagabi Jayns" Napailing nalang ako sa narinig ko. Well totoo naman na hot si Andrew at inaamin ko na crush ko siya. Hindi naman siya matanda para sakin. "Ang swerte ng pinsan mo sa kanya" saad ni LK at makikita mo sa mata niya ang kislap kapag binabanggit ang pangalan ni Andrew. "Pero diba sabi ni Andrew wala siyang feelings para sa pinsan mo" saad naman ni Arabella. "Mag bestfriend sila kaya hindi imposible na magkagusto si Andrew sa pinsan ko." tila may kumirot sa dibdib ko habang sinasabi kong magkakagusto din siya sa pinsan ko. "Ang bait niya talaga kahapon, like magiging crush ko na ata siya" saad ni LK at napahagikhik. Napailing nalang ako at di na sumagot at eksakto namang pumasok ang teacher namin. Joanna's P.O.V "Ang hot naman ng bestfriend ko kagabi" "Ang daming nakatingin sayo" "Mataas ata ibabakod ko sayo" "Baki---" "Pwede ba Drew tumahimik ka muna? Nakakairita ang boses mo" Kanina pako nagtitimpi sa kanya. Maganda naman sana ang araw ko. Ayos naman kami kanina ang kaso bigla niyang isiningit ang usapan nila ng pinsan ko. Pinagmamalaki niya kung gaano ka hinhin at ka inosente ito tignan. Sinabi pa niya na kung makikita niya ulit ito ay hihingin niya ang number nito. Naisipan pa nga niyang bisitahin ito sa paaralan nila mamayang uwian. "Ano na naman ang problema mo sakin?" ramdam sa tono ng boses niya na nagtitimpi lang siya na di naman niya ginagawa dati. Ang bilis naman atang mahulog ng loob niya sa pinsan ko pero sakin kahit ilang taon na kaming magkasama hindi man lang ako matapunan ng tingin. "Naiirita kana sakin ngayon?" Agad namang kumalma ang ekspresyon nito bago nagsalita. "Look, I'm sorry kung nahalata mong naiirita ako pero lumalagpas kana kasi" "So kasalanan ko pa?" "Oo dahil kaibigan lang naman kita pero nang banggitin ko ang pangalan ng pinsan mo ay biglang nag-iba ang timpla mo." Kasalanan ko ba Drew na nagseselos ako? Kasalanan ko ba  na nagseselos ako kasi ang layo namin sa isa't isa. Kasalanan ko bang nagseselos ako dahil isang ngiti niya lang sayo gusto mo na siya samantalang ako kahit taon pa ang igugol ko kakangiti sayo bestfriend lang ang makakaya ko sa buhay mo. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng naiisip ko pero di pwede. "I'm sorry na stress lang ako kanina sa bahay you know my parents are not with me" agad naman nitong hinilot ang sintido nito at tumingin nalang sa labas. Hindi ko na inabalang tumingin pa sa kanya dahil baka di ko mapigilan ang sarili kong magalit sa kanya. In fact wala naman akong karapatan para magalit sa kanya pero naiinis ako sa katotohanang ang layo ng katangian namin ng pinsan ko. "Good Morning Daltonians! Today ay may pairing tayo at yun ang magiging partner niyo sa prom" pagkasabi nang teacher namin tsaka ko pa naalala na malapit na pala ang prom. Malapit na rin pala kaming mabuwag. Nakikinig lang ako at hinintay na tawagin ang pangalan ko. "Dy at Sy kayo ang partner sa prom" binalingan kami ng tingin ng teacher namin na parang nahalata na hindi kami bati. "Kung gusto niyo iibahin ko ang partner niyo para di kayo mahir--" Hindi natapos ng teacher namin ang sasabihin niya ng tumayo si Andrew at nagsalita. "Ayos na po yan. Si Joanna po ang gusto kong makapartner and Ms. ipinapatawag po ako sa faculty room. Excuse me" sabi nito at diretsong lumabas. Lahat kami ay tahimik na tinignan ang pintuang nilabasan niya. Hanggang sa natapos ang oras wala nang nagsalita. Kung nagtataka kayo kung bakit parang takot ang teacher namin well ang dad ni Andrew ang nagpapasok dito sa teacher namin ngayon at maybe takot itong mawalan ng trabaho. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na eksakto namang nakasalubong ko ang grupo ng mga babae kong kaibigan. "Saan ka kakain Jo?" tanong ni Loraine. "Sa bench nalang bibili lang akong pagkain. Kayo?" "Kahit saan lang. Sumama ka nalang samin welcome ka naman palagi sa aming grupo" saad pa nito. Si Loraine ang itinuturing kong ate dahil siya din ang pinakamatanda sa kaklase ko at siya din ang palaging nandyan kapag nag iisa ako. Tinignan ko ang iba kong kaklase at may ibang parang naiirita sakin o sadyang napaka praning ko lang. "Naku nakakahiya naman sa inyo baka masira ko ang bonding niyo" "No sumama kana samin. Ayaw mo ba samin Jo?" tanong ni Marinel ang strikta sa grupo nil. "Hindi kaya. Sige na nga" Sumama ako sa kanilang kumain ng lunch at di ako makapaniwalang totoo ang chismis sa grupo nila na walang plastikan. "Kilala mo ba si Gines, Jo?" tanong ni Denelyn habang kinakalikot ang phone niya. "Oo pinsan ko. Bakit?" "May status kasi siya sa twitter niya" saad niya ulit. "May sasabihin ako Jo ha pero wag ka sanang ma offend" tila kinabahan naman ako sa sinabi ni Marinel. "I really don't like that girl. Napakainosente at napakabait" sinabayan pa ng pag irap. "Bantay sarado kasi siya ng parents niya kaya ganun" Tumango lang sila kaya ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Puno sila ng tawanan at kwentuhan at minsan naman ay nakikisali ako. Tapos na kaming kumain at pabalik na sa room. Naramdaman ata ni Loraine na may hinahanap ako kaya nagtanong siya. "Hinahanap mo ba si Andrew, Jo?" "Hindi naman. Babalik naman yun kung gusto niya" Sinubukan ko talagang tanggalin ang pait sa boses ko dahil baka mahalata niya na nag away kami. "Pansin ko lang ha, bad mood ata siya ngayon at nag away ba kayo?"singit ni Marinel. Hindi ko nagawang sumagot dahil totoo  namang nag away kami at hindi yun magandang ipagkalat. "Kung ako sayo girl wag kang magkaka gusto sa bestfriend mo. Lalaki parin yun alam mo na lapitin ng babae yun" saad ulit nito. "Yaan mo na siya Marn napaka bitter mo talaga. Bilisan niyo na nga lang maglakad dahil baka ma late na tayo" saad ni Angelie. Tumango na lang kami at naglakad pabalik sa room. Andrew's P.O.V Pagkatapos kong magpaalam kanina ay dumiretso ako sa parking lot at umalis. Naiinis lang ako kay Joanna dahil kahit anong gawin kong pagpapakabait sa kanya palagi naman akong inaaway. Hindi ko naman gawaing mairita sa kanya. Nairita lang naman ako dahil sa sinabi ng mga magulang ko bago sila umalis. Nalilito nga ako sa sarili ko dahil baka nagiging paasa na ako sa kanya at hindi yun maganda. Hindi naman siya mahirap mahalin pero mas magtatagal kami kung magiging magkaibigan kami. Hindi ko siya kayang mahalin higit sa kaibigan dahil may mahal na akong iba. Nagmamaneho lang ako at di ko namalayan kung bakit dito ako sa paaralan ni Gines dinala. Hindi sa gusto ko siya pero pasok siya sa ideal type ko. Yung tipong mahinhin at inosenteng tignan. "Sino po ang hinahanap niyo sir?" tanong ng guard sakin paglapit ko. "Si Gin--" Naputol ang pagsasalita ko ng marinig ko ang boses niya sa likod ko. "Andrew?" Lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti habang kinakantyawan ng mga kaibigan niya. "Sige Jayns mauna na kami sa room"saad ni Arabella bago bumaling sakin. "Andrew may klase pa kami ha wag kayong magtatagal" tumango lang ako dito at ngumiti. "What are you doing here?" panimula niya. "I don't know nagmamaneho lang naman ako ng dalhin ako dito ng sasakyan ko" sabi ko at kumapit sa batok dahil sa hiya. "Ikaw talaga. Ano bang kailangan mo?" Ano nga bang kailangan ko dito?Teka isip Drew mag isip ka. "Number mo sana" bigla kong nasabi kaya napatawa siya. "Yun lang pala. Akin na phone mo" agad ko namang binigay ito sa kanya at isinauli niya matapos ilagay ang number niya. "Thank you. Pasok kana baka ma late kapa babalik na din ako sa school ko" "Sige Drew ingat sa pag drive ha. Bye!" sabi nito at kumaway. Hinintay ko muna siyang pumasok sa gate nila bago sumakay sa kotse ko at bumalik sa school. Pagkapasok ko sa gate ay tumakbo na ako dahil late ako sa klase ko. Ayan Drew unahin mo ang landi. Joanna's P.O.V "Click the shift and press t---" "I-I'm sorry sir I'm l-late. May pinagawa sakin ang President sa SSG" saad ni Andrew habang hinihingal. Tumango lang si sir at sinensyasan siya na umupo na agad naman niyang ginawa. "Kumain ka na ba?" malumanay na bulong niya sakin dahil pagalitan siya. "Tapos na" sabi ko at di na inabalang tignan siya. "Sorry nga pala kanina sa inasal ko sayo. Babawi ako sayo" ngumiti ako habang di siya tinignan at tumango na lang. Sa buong oras ng klase namin sinubukan kong iwasang makipag usap sa kanya o kahit man lang dumikit ang balat niya sakin. May pagkakataong sinubukan niyang magsimula ng usapan pero sinasagot ko lang ito ng diretso para di na magpatuloy. "That's all for today. You can go home. Bye" Minadali ko ang pagliligpit ng mga gamit ko para mauna akong makalabas sa kanya. Lakad takbo ang ginawa ko para madali akong makarating sa gate at salamat sa panginoon ay nakarating ako ng wala siya. Hindi na ako nag aksaya ng panahon at agad pumara ng taxi. Pagkarating ko sa bahay ay pumasok ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Nakita naman ako ni manang at kitang kita sa mukha niya ang pagtataka. "Anong problema mo ija?" tanong sakin at sinuri ako. "Wala naman ho manang. Sige po akyat po muna ako. Papahinga lang sandali" Tumango naman ito sakin kaya umalis na ako doon. Palagi kasi akong nagtitimpla ng gatas pag may problema ako kaya nag aalala sila sakin. Matagal na rin kasi mula ng makita akong ganito. Mamaya na siguro ako bababa pag dumating na ang magulang ko. Mag iisip muna ako kung paano ko ibabalik sa dati ang pakikitungo ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD