Chapter 5

1050 Words
"Tumayo ka nga, ang mga braso mo ay tumama lang sa mesa at nagrereklamo ka na. You still have your arms, its not like it broke off. Your sensitivity made your life difficult!" sabi niya at agad akong tumayo dahil baka may makakita sa akin na nakahiga, lalo na ang mama niya. Kaya sinunod ko ang utos niya at umupo sa sofa. "Tama ka. Anong masama sa pagiging sensitive? Gusto mo bang maging aggressive din ako tulad mo?" sabi ko. Hinila niya ang bewang ko at pinaupo ako sa dining table. Pinaharap ako sa kanya habang binabantayan niya ako kaso bigla akong tumakas. Tinitigan niya ako ng walang sinasabi. "C-cloud, bakit ka ba galit na galit sa akin. Bakit ka ganyan makatingin, please get off will you?" bumulong ako. Nakita kong mas lumalim ang tingin niya sa akin. "Anong meron sa inyo ni Calvin?" tanong niya na may seryosong ekspresyon sa mukha na nagpapabilis ng t***k ng puso ko sa kaba. "A-anong ibig mong sabihin?" sumagot ako. "Don't answer me with a question, Kairi. Ano bang meron sa inyo ni Calvin!" sumigaw siya. Napalunok ako ng malalim na para bang wala akong oras para mag-react at mag-isip dahil sa sobrang tindi ng sitwasyon. Siya ay tila nagseselos, nagagalit o nakikiusyoso sa isang bagay na sa tingin ko ay wala siyang pakialam. Hindi ko maintindihan kung bakit big deal sa kanya ang tungkol doon, na-misunderstood niya lahat ng nakikita niya. Katulad din siguro ng pagkakaintindi ko sa kanya at kay Elise na magkaroon ng lihim na relasyon. But I don't have a gut to ask him that because it is his personal life. Alam kong asawa niya ako pero hindi niya ako nakikitang ganoon. "W-wala naman." "Wala?" "Wala Cloud. Lumapit lang siya sa akin—" "Hindi ko sinabing magpaliwanag ka. Tanggalin mo yang jacket mo!" pinutol niya ang sana'y sasabihin ko. "A-ano?" Kinabahan ako dahil suot ko ang jacket ko para protektahan ang sarili ko upang 'di niya makita ang mga pasa ko. I am only wearing a sleeveless shirt and it will reveal my body being this mess in front of him. [Nooooo, makikita niya ito!] "HUHUBARIN MO? O AKO ANG HUHUBAD?" pagalit na bulong niya. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil nasa pagitan ako ng aking isipan, speechless at empty minded. "H-Huhubarin ko na 'to, Cloud, p-please calm down, please I am begging. Baka marinig tayo ng mama mo na nag-aaway, kung ano-ano na lang iniisip mo!" agad kong sinagot. Nanginginig ang mga kamay ko. "Bakit ba nagpapanggap ka na hinay hinay sa pagtanggal ng jacket Kairi hah!" Agad niyang hinablot ang jacket ko at marahas na hinubad ang jacket ko sa akin. "Ano ba yan Kairi!" Napaawang ang labi ko sa sigaw niya. Nakakatakot. "ANONG NANGYARI SAYO! ANO ITO? SAAN MO NAKUHA ITO?" sabi niya habang nagpapanic. Biglang nagbago ang emosyon niya. Para bang may nakita siyang labis na ikinatakot niya. Ngayon ko lang siya nakitang mag-react, sobrang mura na hindi mo mababasa kung galit siya o concern. "Cloud, huwag kang magalit sa akin. I promise I tried my best to protect myself and anything else but I am not sure if it is enough. Both of my emotional and physical being is purely sensitive," paliwanag ko. Naluluha ang mga mata niya. Tumalikod siya sa akin at humakbang ng isang hakbang dahil pinipigilan niya ang sariling umiyak, hindi ko alam kung siya nga ay umiiyak, pero halata sa mga kilos niya na siya'y umiiyak. "Nevermind, I want you to stay put right there. Huwag na huwag kang gagawa ng kahit isang hakbang para tumakas." Agad niyang ibinalik sa braso ko ang jacket ko at naramdaman ko ang init ng kaniyang pagmamahal, sa tabi ng jacket ko at sa caring side niya. Tumakbo siya palabas ng bahay at dumiretso sa kwarto ng mga kasambahay. Baka tatawagan niya sila para tulungan akong mawala ito. Wala akong clue at kung ano ano pa. Makalipas ang ilang minuto, natatanaw ko na ang ilaw ng isang sasakyan na nakaparada malapit sa gate, handa nang umalis. Napailing ako nang bumalik si Cloud na tumatakbo sa akin na namumula ang mga mata. [Umiiyak ba siya?] Agad niya akong kinuha at binuhat gamit ang kanyang maugat at malalakas na kamay. Hindi rin naman ako ganoon kabigat, pumayat ako ng sobra dahil bihira akong kumain pero wala rin naman akong sakit. Ito ang palaging uri ng aking katawan mula noon, ang pagiging payat at lahat ng ito ay normal para sa akin. "Kapit ka lang sa akin," sabi niya. Wala akong masabi sa kanya. Tumango lang ako at tumingin palapit sa mukha niya na pawisan at mukhang nag-aalala. Tama ako, parang umiiyak siya pero pinunasan na niya. No wonder kung bakit medyo natagalan siya last time. Nasa unahan na kami palabas ng mansyon, at nakita kami ng mama niya mula sa balcony. Bigla siyang sumigaw at tinawag kami, "Cloud, anak ko, saan kayo pupunta halos gabi na anak ko!" Hindi na lang siya pinansin ni Cloud at napapikit na lang ako dahil ayoko siyang tingnan, ang mama niya. She must be just seeing us in a sweet manner right now kaya walang problema kung saan ako dadalhin ni Cloud. Baka iwanan niya ako sa mga kalsadang malayo dito, dahil may kasalanan siya o ano. Ewan ko, hindi ko rin siya matanong kasi nahihiya ako. Sa wakas ay nakarating na kami sa loob ng sasakyan niya at agad niya akong pinapasok sa loob at inihanda ang back seat na may kumot at inilagay sa katawan ko. Mabilis siyang bumalik sa front seat at nagsimulang magmaneho nang kotse palabas ng property. Sobrang init ng pakiramdam ko ngayon. [Ano ito? Bakit parang may pakialam siya sa akin, saan ba tayo pupunta? Ano ang mangyayari sa akin pagkatapos nito? Iiwan niya ba ako?] Ang daming tanong na nabuo sa isip ko pero hindi ko magawang itanong sa kanya, and it's weird. This is not the usual him, the Cloud Harris that I knew. Medyo inaantok na ang mga mata ko that time dahil pakiramdam ko nanghihina na ako simula nung tinulak niya ako last time. Kaya napahawak nalang ako sa kumot na nilagay niya sa katawan ko at pinainit ang sarili ko. "This smell. It smells like him," mahinang bulong ko sa sarili ko habang naiidlip na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD