Nag lalakad kami ngayon ni Sandra at ni k**i pa Mcdo. Sabi kasi nila, panget daw lasa nang pagkain sa cafeteria, tapos mahal pa daw. Nakit ako din kanina na ang dmaing tao, haba rin nang pila, kaya nag suggest si k**i na mag mcdo nalang kami. Nag tiwala naman ako sa kanila since senior high pa sila dito.
“Tapos te! May nakita ako sa G App doon sa province, grabe te ang pogi! Alam mo yun, parang nawala erbog ko, gusto ko nalang siyang mapangasawa.” Kuwento naman ni k**i kay Sandra habang si Sandra ay tumatawa sa kuwento niya, habang ako nakikinig lang sa kanilang dalawa. Ang daldal pala ni k**i, para hindi ko alam kung matutuwa ako sa kaniya, o ma d-drains a energy niya.
Pero to be honest, bawal ako mag reklamo, minsan nalang ako maka ranas nang kaibigan at minsan nalang din ako mayaya kaya go with the flow nalang din ako. Choosy pa ba ako?
“Ikaw ba Alexa? Wala ka bang boyfriend?” Napa tingin naman ako sa kaniya at natawa nang bahagya. “Wala… Wala akong boyfriend.” Sagot ko naman na ikinagulat niya, na ikinagulat ko dahil sa OA na reaksyon niya. “Whe? Really ba? Di nga?” Tanong niya na agad ko namang ikinatango.
Paano ako mag kaka boyfriend, eh ang panget panget at taba taba ko noon.
Sana ngayon… Mag karoon na.
“Sabi nga nila, ang mga magaganda ni r-reserve para sa mga pogi! Gets!” Sabi niya. “Kaya nga tingnan mo ko. Wala akong boyfriend.” Sagot naman ni Sandra. “Gaga, tomboy ka kasi. Babae din hanap mo.” Sagot naman ni k**i dahilan para kurutin niya ito.
Ah… So tama nga ang hinala ko kanina.
Tumigil naman kami sa pag lalakad nang nakarating kami sa Mcdo. Agad kmaing pumasok sa loob at nag order.
Huming akao nang malalim at tumingin sa paligid.
After two year, makaka kain na din ako nang mcdo! Grabe, miss na miss ko na lasa ng chicken nila, ng burger, ng fries, ng sundae!
Kaya ano pa ba ang ginawa ko, inorder ko lahaat nang nakita ko sa menu na namimiss ko.
“Hindi ka ba mabilaukan sa dami niyan?” Tanong ni Sandra sa akin. “Hindi naman. Ang tagal ko na kasing hindi naka kain dito.” Sagot ko sa kaniya.
Pag katapos namin mag order ay agad naman kaming kumain nang lunch namin. Habang kumakain ako nang lunch napa tigil ako nang napansin kong naka titig lamang sina k**i at Sandra sa akin.
“Bakit?” Tanong ko sa kanila. “Unang araw pa lang natin mag kakilala, pero grabe na ang bilib ko sayo! Ang dmai niyan, tapos hindi ka tumataba? Wow! My idol! Palakpakan!” Agad naman itong pumalakpak mag isa dahilan para tumingin ang ibang customer as loob nang mcdo. “Sure ka bang hindi ka mataba dati?” Tanong naman ni Sandra sa akin dahilan para mapatigil ako.
Tumingin ako sa kanya nang may pag tataka.
“Huh?”
Sa tanong na iyon, feeling ko mamatay ako nang wala sa oras. Halata ba? Halata ba na mataba ako noon? Ayoko na! Ayoko nang kumain nang madami!
Tila ba sumisikip muli ang dibdib ko, feeling ko babagsak katawan ko, feeling ko lalamunin ako nang lupa. Hindi nila puwedeng malaman kung ano ako dati. Kung ano ang itsura ko! Kung gaano ako kapanget at kalaki noon!
Gagawin ko ang lahat, para lang ibaon sa lupa ang nakaraan ko.
“Hindi! Mukha ba akong mataba?” Sa wakas at nakasagot din ako… Nang isang kasinungalingan. “Hindi naman. Ang lakas mo kasi kumain eh. Pero alam mo, ganiyan din ako, malakas kumain pero hindi rin ako nataba. Kaya nga suwerte tayo.” Sagot naman ni Sandra sa akin, dahilan para maka hinga ako nang malalim. “Edi wow. Kayo na mga hindi tumataba.” Sabat naman ni k**i sa amin na agad naman naming pinag tawanan ni Sandra.
Nag patuloy muli kami sa pag kain.
Grabe ang sarap parin pala talaga ng chicken ng Mcdo! Andami kong na mimiss na mga bagay sa labas simula nang nag pahinga ako nang dalawang taon.
Agad akong tumayo upang refill-an ang gravy ko anng biglang nag hiyawan ang mga tao sa loob nang Mcdo. Nag kakagulo na tila ba nakakita sila nang isang artista. Agad naman akong naka kuha nang gravy at nag simulang mag lakad pabalik sa lamesa namin, ngunit agad naman akong napigilan nang ang mga estudyante ay nag simulang mag tulakan, amg hiyawan, mag takbuhan, na tila ba may dudumugin silang tao.
“Aray. Excuse me po!” Pinipilit kong maka alis sa kinatatayuan ko, ngunit hindi ko magawa dahil naiipit nila ako. “Excuse me po.” Sambit ko muli. Itinaas ko ang hawak kong gravy dahil baka matapon sa akin o sa kung sino man dahil sa siksikan na nangyayare.
Maya maya pa, naramdaman kong may tumulak sa akin dahilan para matisod ako at mabitawan ko ang hawak kong gravy. At sa oras na iyon, feeling ko bumagal ang takbo nang mundo ko. Naramdaman kong na out of balance ako at naramdaman kong bumagsak ako sa isang tao, ngunit agad din naman akong bumagsak sa lapag dahilan para matahimik ang mga tao sa paligid ko.
“Ouch…” Bulong ko sa sarili ko. “Jusko po!” Narinig kong sigaw ni k**i, ngunit hindi ko maaninag kung asan siya, dahil ang tanging nakikita ko lamang ngayon ay ang lapag na pinag bagsakan ko, at isang pares ng paa na naka tayo sa harap ko…
Agad namang nanlaki ang mata ko at dahan dahan akong tumingin pataas kung saan-
Shit. Ang pogi!!!
Cha Eun Woo?
Ang puti niya, singkit ang kaniyang mga mata, medyo may pag ka wavy yung buhok niya. Ang tangos nang ilong, at ang labi niya ang maliit na mapula pula. Ang tangkad niya pa! Pero agad akong napa tigil sa pag titig sa mukha niya nang unti unti kong napansin na natapon sa kanya ang hawak hawak kong gravy kanina… Sa puti niyang damit.
Agad naman akong tumayo sa pag kaka bagsak ko at nanigas sa kinatatayuan ko.
Naka titig lang siya sakin. Grabe ang mga tinginan niya, feeling ko malulunod ako sa pag tingin niya pa lang. Huminga ako nang malalim at ngumit sa kanya. “Sorry?” Sabi ko.
Napansin ko na naka titig lahat nang tao sa amin, lalong lalo na sa akin.
Nakita ba nang lahat yung nangyari sa akin? Nakita ba nila yung pag bagsak ko kanina?
AHHHH!!
Please! Parang ito yung scenario kung saan gusto kong kainin nalang ako nang lupa! Please! Lamunin niyo na ako! Nakakahiya! Nakakahiya!
“Sorry!” Agad naman akong kumuha nang tissue sa bulsa ko at agad na pinunasan yung natapong gravy sa damit niya pero agad naman akong napahinto nang napansin kong mas lalong kumalat yung manstya.
Shit.
“Sorry talaga! Hindi ko sinasady-” Napa tigil ako nang hinawakan niya yung kamay ko. Unti unti naman akong tumingin sa kanya at ngumiti sa pag kaka hiya. “You’re ruining it.” Sambit nang malalim at malamig niyang boses.
Binitawan niya naman yung kamay ko at agad tumitig sa akin. “Letra de Benilde…” Bulong nito. Agad naman itong nag lakad papalapit sa akin. “I’ll find you.” Bulong niya sa akin bago siya dumeretsyo nang lakad papalabas nang Mcdo, at iniwan akong naka tunganga at naka tayo dito.
“Ayos ka lang ba?” Tanong nina Sandra at k**i sa akin. “Sino siya?”
“Hindi mo siya Kilala? Influencer yun! Si Andrew Basino! Halos nasa 4 Million Follower siya! Ang pogi niya sa personal!” Sagot naman ni k**i sa akin. “Sana all nahawakan ni Andrew!” Dagdag niya pa.
4 Million follower?? Tapos ganun yung encounter namin?! Balik nalang siguro ako sa lungga ko for another 2 years!