Chapter 29 Andrea's POV Natutuwa naman ako na ang laki na nang pinagbago ni Vinson sa kaniyang pagaaral. Last exam pumasa siya hindi lang siya nakapasa. Pang apat pa siya sa pinakamataas. Kaya naman pala niyang ipagsabay ang pagaaral at the same time ang sports. Nandito ako ngayon sa Guillermo Academy para suportahan ang school namin sa kanilang basketball school tournament. Nagsuot pa ako ng kulay asul na damit para sa pagsuporta ko sa aming school, maya-maya napansin ko si Jade kasama ang kaniyang mga kaibigan na may bitbit na tarpaulin na may pangalan ng school namin at ni Vinson. Todo sigaw sila hindi pa man nagsisimula ang laro. Napatingin si Vinson noong narinig niya ang boses ni Jane na tinatawag ang pangalan niya. Nagbato pa ito ng kiss at saka naman siya tinukso ng mga kateam

