(Naya's POV) Day 12 - Hide and Seek (6:00 pm - 5:00 am) Nakatanaw lang ako sa boundary ng quadrangle at mga buildings mula dito sa malayo, gumawa sila ng matibay na bakod na pansamantalang magsasara sa mga daan papuntang quadrangle. Kanina nagkaroon na ng announcement na i***********l na ang pagpunta sa quadrangle o kahit ang pagpunta malapit sa boundary nito, bakanteng buildings lang naman ang naririto malapit sa quadrangle. May nakita din akong infected kanina na itinapon nila sa loob ng quadrangle, saka nila pinatay. Lumakad na ko palayo doon para bumalik sa dorm, every morning walang pagala-gala dito siguro ako lang pft. At animoy abandoned school talaga ang kinaroroonan namin. Walang klase pagsapit ng month of November, panay kagaguhan lang, panay laro. "Pinanood mo kami?" N

