(Naya's POV) "Lets eat?" Hindi ko pinansin si Ate Selene kahit na niyaya niya na akong kumain, dumiretso lang ako sa baba at hindi kumibo. "Naya? Lets eat!" Yaya din sa akin nina Simon ng makita nila ako na pababa ng hagdan pero hindi ako sumama sa kanila. "I'm not hungry, I'm going" Hindi na nakapagsalita si Simon kaya lumakad na ulit ako. "Mura kain na tayo" Hindi ko pinansin si Eos ng kausapin niya ako, ang kapal ng muka niyang kausapin ako at lalong ang kapal ng muka niyang tawagin na naman akong cheap. How dare he? "Naya ---- Hindi na naituloy ni Eos ang anumang sasabihin niyang muli dahil malakas kong isinara ang pinto paglabas ko, nagsimula na akong maglakad, may araw ka rin sa aking lalaki ka. For now I need to focus on this thing, I need to be a volleyball player. Bu

