(Naya's POV) Day 10 - Spinning wheel game (6:00 pm - 5:00 am) Participant: Ivan San Jose Today is November 10 it means spinning wheel game, and Ivan is our Participant. Masiyadong tahimik ang Hellem, kaya nananahimik na lang din kami. "K-kuya Red?" Mabilis na tumingin sa akin si Kuya Red. "Naya?" Tawag niya sa akin kaya lumapit agad ako sa kanya ng makita ko siya dito sa hideout, I was expecting na walang tao dito. "Kuya? Condolence ah" Ngumiti siya sa akin, kasabay ng pagtulo ng luha niya. "Pano mo nalaman?" Tanong niya sa akin. "Naisip ko lang pinagmamasdan ko kasi kayo kahapon, nakikita ko sa buka ng mga bibig niyo ang pinaguusapan niyo kahit hindi ko naririnig" Ngumiti siya sa akin dahil sa sinabi ko. "She choose to come with James kaysa sa akin na kapatid niya" Hindi

