KINABUKASAN, naalimpungatan ako nang tumunog ang aking cellphone, ngunit imbes na damputin ko ang aparatong 'yon ay napakunot ang aking noo nang makita ko ang hubad na katawan ng isang babae na nakasiksik sa aking gilid habang ang kanan nitong kamay ay nakapatong sa aking dibdib, inalis ko ang kamay nito sa aking dibdib saka ako bumangon at dinampot ang aking cellphone nang muli 'tong tumunog. Muli kong nilingon ang babaeng mahimbing pa ring natutulog sa aking tabi na ngayon ay malinaw ko nang nakikita ang mukha nito, alam kong walang namagitan sa amin kagabi dahil kahit sinong babae sa ngayon ang nagpapakita sa akin ng motibo ay walang epekto sa akin, 'yong tipong hindi ako nagkakainteres sa kahit na kanino, simula ng matikman o makuha ko ang ka-inosentehan ni Lieutenant Lopez na 'yon ay

