"What the–– are you serious? Handa ka na bang mamatay? Tang*na naman, Gene!! Matalino ka, gamitin mo naman 'yang utak mo!! Paano 'yang bata sa sinapupunan mo? Wala ka na bang pakialam kahit man lang d'yan sa bata? Na kahit ang buhay ng bata ay itataya mo para lang magtagumpay sa kagustohan ng sariling ama ng batang 'yan na patayin ang kanyang ina?? Damn it, Gene!! –I will not allow you to do that!! And that's final!!" mariin at galit na sabi ni Mark mula sa kabilang linya saka ako nito binabaan. Napa buntonghininga na lang akong napatitig sa aking cellphone na mawala na nga 'to sa kabilang linya. Agad ko kasi 'tong tinawagan nang makarating na ako sa aking condo, dahil ang plano ko sana ay mamayang gabi ay handa na akong pasukin ang bahay ni Jm, ngunit kahit ito ay hindi sang-ayon sa aking

