_{JHON MARKUZ's POV}_ "Boss, hindi na ho namin inabutan 'yung kotse, bigla na lang ho nawala eh." sabi Greg ng muling bumalik sa Hospital, napakuyom naman ang aking mga kamao sa galit na naramdaman at muling tumingin kay Lea na sa mga oras na 'to ay mahimbing nang natutulog, dahil binigyan ito ng Nurse ng isang klaseng injection kanina upang kumalma, dahil umiiyak ito habang nagsisisigaw nang makita nito ang babaeng 'yon na s'ya ring gumugulo sa aking isip. "Boss, nakuha ko pong impormasyon kanina, ay may pasyente raw pong pinuntahan si Lieutenant Lopez, ayon ho sa isang Nurse na napagtanungan ko, ay anak daw ho ni Lieutenant ang pasyente, pero nakapagtataka raw ho na agad na ring inilabas kanina, hindi pa nga raw nalabas ang ibang resulta ng test ng bata, ay ipinilit na raw pong ilabas

